Ano ang gagawin ni Ate Liza kung manalo siya ng 1M pesos? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Kung sakaling mapanalunan mo ang jackpot prize ng "Pera Sorpresa" na isang milyong piso, paano mo ito gagastusin?

Ano ang gagawin ni Ate Liza kung manalo siya ng 1M pesos?

By AEDRIANNE ACAR

 

Malapit ng bumalik ang promo na inaabangan niyo mga Kabarangay!

Muling mamimigay ang RGMA ng limpak-limpak na papremyo sa 5th year ng "Pera Sorpresa." Tumatagingting na 1M pesos ang naghihintay sa masuwerteng Kapuso na mananalo sa grand draw.

Ang malaking tanong, kung sakaling mapanalunan mo ang jackpot prize na isang milyong piso, paano mo ito gagastusin?

Para sa "The Daily Top 3" host na si DJ Liza, ilalaan niya ang kanyang napanalunan sa tatlong bagay: investment, travel at savings. Ayon kay Ate Liza, maraming ways para mag-invest at palaguin ang pera mo.

“Siguro maghahanap ako ng magandang investment. Pero hindi ko uubusin ‘yung money doon. Kasi 'di ba maraming ways to invest money like mayroon mga insurance, mayroon din naman kung may kakilala siguro ako na gustong kailangan mag-fi-finance ng maliit na business, why not?”

Excited din daw bumalik ang magaling na radio host sa Europe at i-treat ang sarili para isang bonggang bakasyon.

Paliwanag ni Ate Liza, “Pero siguro mga isang trip lang muna. Jusko punta na tayo sa Europe let’s go na, kasi matagal na akong hindi nakakapunta uli.”

Importante din ang magtabi ng pera sa bangko. Hindi daw ugali ni Ate Liza na mag-ubos ng pera kaya tiyak mapupunta sa savings ang bahagi ng 1M pesos na makukuha nito.

“Ako kasi pinalaki ako ng parents ko na masinop sa pera, so takot ako na ‘yung masaid. Ayoko ng ganung feeling ‘yung nag-aantay ka ng kada suweldo.”

MORE ON PERA SORPRESA: 

Kabarangay, hangad mo bang manalo ng 1M pesos? 

'Pera Sorpresa' Year 5 starts on April 4!