LOOK: How to listen to the 'Barangay Love Stories' podcast | GMANetwork.com - Radio - Articles

Good news mga Kapuso, puwede mo nang mapakinggan ang Barangay Love Stories sa podcast! Here's how:

LOOK: How to listen to the 'Barangay Love Stories' podcast

By AEDRIANNE ACAR

Mga Kapuso hindi niyo ba napakinggan ang paborito niyong romantic episode sa Barangay Love Stories sa radyo?

Huwag nang mag-alala mga Kabarangay, dahil simula ngayong April 11, puwede ninyo ng balik-balikan ang mga nakakaantig at tagos sa puso na mga kuwento ng number one radio program ni Papa Dudut tuwing Linggo.

Dahil ang Barangay Love Stories, puwede mo ng pakinggan sa podcast! Puwede niyo ng i-stream ang mga love story ng inyong buhay sa kauna-unahang podcast ng Barangay LS 97.1!

Heto mga Kapuso ang guide kung papaano niyo mae-enjoy ang Barangay Love Stories sa podcast!