Fierce numbers, Sugarpop reunion at iba pang mga dapat abangan sa concert ni Julie Anne San Jose | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa kanyang pagbisita sa 'Sikat sa Barangay,' nagkuwento ang Asia's Pop Sweetheart tungkol sa kanyang nalalapit na concert. 

Fierce numbers, Sugarpop reunion at iba pang mga dapat abangan sa concert ni Julie Anne San Jose

By ANICA SAMODIO

 

Malapit na ang ‘In Control’ concert ng Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose at nai-kuwento niya sa GMANetwork.com kung ano ang mga dapat abangan sa May 14.

 

Ayon kay Julie Anne, kakaiba daw ang kanyang concert dahil may mga gagawin siya na hindi pa nagagawa ng iba. Nabanggit ng singer na magkakaroon daw siya ng fierce number kasama ang G Force dancers.

 

Ani Julie, “There’s this one segment na may fierce number ako na gagawin with G Force. It’s going to be a new one, kasi wala pa masyadong gumawa nun.”

 

 

Always stay gracious, best revenge is your paper ????

A photo posted by Julie Anne San Jose (@myjaps) on

 

Maliban sa pag-ensayo ni Julie Anne ng kanyang mga kanta, pinapag-aralan na din niya ang mga instrumentong gagamitin niya sa Kia Theater.

 

“Wala pa kaming schedule of rehearsals kasi pero nagppractice ako, sa bahay nag re-rehearse ako ng songs and then may mga instruments din kasi ako na gagamitin,” ani Julie Anne.

 

Dahil ang ‘In Control’ ay selebrasyon ng kanyang 10th year anniversary sa showbiz may mga guest si Julie na nagkaroon malaking bahagi ng kanyang karera. Sinabi din ng Kapuso star kay Mama Belle sa “Sikat Sa Barangay” na magkakaroon daw ng pinaka-inaantay na Sugarpop reunion.

 

“I’ll be performing with the Sugarpop members 'yung mga kasama ko dati ng mga bata pa kami. Sana kumpleto kami kasi naging part talaga sila ng 10 years ko sa showbiz. Dun kasi ako nag simula so I’ll be very honored if I’ll be performing with them again.”

 

READ: Countdown to Julie Anne San Jose’s ‘In Control’ concert trends

 

READ: Julie Anne San Jose wants to be more intimate with fans in upcoming anniversary concert