EXCLUSIVE: Papa Dudut, ang boses sa 'Juan Happy Love Story' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ano ang special participation ni Papa Dudut sa 'Juan Happy Love Story?'

EXCLUSIVE: Papa Dudut, ang boses sa 'Juan Happy Love Story'

By AEDRIANNE ACAR

Inaabangan na ng mga Kapuso ang pinakabagong sexy at naughty primetime series sa telebisyon na Juan Happy Love Story na mapapanood na sa darating na May 16. Pagbibidahan ito ng mga top Kapuso stars na sina Dennis Trillo at Heart Evangelista.

Bukod pa riyan, magiging parte ng bagong show ang sikat na radio host ng Barangay LS 97.1 na si Papa Dudut. Siya ang magsisilbing voice-over ng primetime series.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa magaling na radio disk jockey, kailangan daw abangan ang Juan Happy Love Story dahil naging kakaiba ang ginawang atake ng production team sa bagong show na ito.

Paliwanag ni Papa Dudut, “I was surprised with this project. Hindi ko pa siya napapanood sa GMA-7. Iba ‘yung atake with editing, iba ‘yung scoring. Seeing Heart Evangelista na sexy and naughty. Tapos si Dennis Trillo na makikita mo at mari-realize mo kung gaano kaguwapo si Dennis at kung gaano kaganda si Heart Evangelista.”  

Inimbitahan muli ni Papa Dudut ang mga Kabarangay natin na tumutok gabi-gabi sa Juan Happy Love Story at abangan kung ano-ano ang mga pakulo na hinanda niya para sa inyong lahat.

“Manood po kayo ng Juan Happy Love Story. Ang biro ko nga diyan pagkatapos ni Aljur [Abrenica]. No commercial break, ang unang makikita n'yo sa Juan Happy Love Story si Papa Dudut, hanapin n'yo. Boses ko po ‘yung unang maririnig, so may twist sa ending ng episode eh.”

MORE ON PAPA DUDUT:

Ano ang sorpresang hatid ni Papa Dudut para sa mga OFW?

Barangay Love Stories now on podcast