'Imagine You & Me,' nangunguna sa The Big Ten | GMANetwork.com - Radio - Articles

Nasa top spot ngayon ang theme song ng AlDub movie at nahigitan pa ang mga kanta ng foreign acts tulad nina Adele, Redfoo at DJ Sak Noel.

'Imagine You & Me,' nangunguna sa The Big Ten

By CHERRY SUN

Nangunguna ngayon sa The Big Ten ng Barangay LS 97.1 ang duet nina Alden Richards at Maine Mendoza ng kantang ‘Imagine You & Me.’

Nasa top spot ngayon ang theme song ng AlDub movie at nahigitan pa ang mga kanta ng foreign acts tulad nina Adele, Redfoo at DJ Sak Noel.

 

Kabilang din sa Kapuso music chart ang ibang GMA Records artists tulad nina Derrick Monasterio at Top One Project (T.O.P.). Nasa ika-limang spot ang ‘Give Me One More Chance’ ni Derrick, samantalang ika-pito naman ang carrier single ng T.O.P. na ‘Paggising.’

Ang ‘Imagine You & Me’ ay nanguna rin sa unang araw ng digital release nito sa iTunes PH top songs.

LOOK: 'Imagine You & Me,' nanguna sa top 3 spots sa iTunes PH 

MORE ON ‘IMAGINE YOU & ME:’

READ: Maine Mendoza, hugot na hugot daw nang isinulat ang Imagine You & Me theme song 

MUST-READ: Advisory on Imagine You & Me piracy