Paano naghahanda sina Jake Vargas at Jeric Gonzalez sa mga eksena nila sa 'Oh, My Mama!'? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Tinanong ni Papa Kiko sina Jeric at Jake kung paano sila naghahanda sa mga eksena nila sa naturang soap.

Paano naghahanda sina Jake Vargas at Jeric Gonzalez sa mga eksena nila sa 'Oh, My Mama!'?

By AEDRIANNE ACAR

Bumuhos ang kilig sa patok na afternoon radio program nina Papa Kiko at Mama Emma na Talk To Papa ngayong Martes ng hapon, September 13, dahil bumista ang mga guwapong papa ng bagong afternoon soap na Oh, My Mama! na sina Jake Vargas at Jeric Gonzales.

Game na game ang dalawang Kapuso heartthrobs na makipagkulitan at sagutin ang mga tanong ng ating Barangay DJs patungkol sa kanilang drama show.

Tinanong ni Papa Kiko sina Jeric at Jake kung paano sila naghahanda sa mga eksena nila sa naturang soap.

Sagot ni Jeric, “Ako kasi 'pag nasa mismong eksena na ako sa set sobrang daming tao talaga, sobrang daming distraction. 'Pag nasa scene ka na, parang pag-fineel mo na lang siya tapos ‘yung nasa moment ka na, ‘yun parang mawawala na lahat. Parang ‘yung ginagawa mo tutuloy mo na lang.”

Sinusubukan naman ni Jake na i-relax ang kaniyang isipan sa tuwing sasabak siya sa mga matitinding eksena tuwing taping.

Aniya, “'Pag ako pumunta ako sa taping tapos mag-titake na, wala akong iniisip na iba para ma-relax 'yung utak ko, kasi 'pag sa taping kailangan trabaho 'yan 'di ba.”

Binuko rin ng Kapuso cutie ang co-star niyang si Jeric na mas close daw ito sa leading lady ng show na si Inah de Belen dahil mas madalas silang magkaeksena.

Nagkuwento naman si Jeric na extra effort din siya para sa kapareha para mas maging kumportable raw ito kapag magkasama sila.

Kuwento ni Jeric, “'Pag darating ako sa set o kaya sa mga events, ayun kinukulit ko agad siya para mawala ‘yung ilang.”

 

With Jake Vargas HAMPOGIIII??? #kapusoartist

A photo posted by Mama Emma (@mamaemma971) on

 

Umuukan ng pogi dito sa @barangaylsfm # Jeric Gonzales ???

A photo posted by Mama Emma (@mamaemma971) on


Abangan ang Oh, My Mama! sa GMA Afternoon Prime sa darating na September 19!

MORE ON BARANGAY LS:
  

IN PHOTOS: 'Oh My Mama' mall show in Bulacan, a huge success!

IN PHOTOS: Monday jamming with OPM band Sponge Cola!

IN PHOTOS: Kapuso siren Julie Anne San Jose's radio tour for album 'Chasing the Light'