Talk to Papa: Alin sa goals sa bucket list ni Ivan Dorschner ang natupad nang makasama siya sa 'Meant To Be?' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Dumalaw ang Kapuso heartthrob na si Ivan Dorschner sa hit afternoon radio program na Talk To Papa. Ano kaya ang kanyang ikinuwento sa mga Kabarangay?

Talk to Papa: Alin sa goals sa bucket list ni Ivan Dorschner ang natupad nang makasama siya sa 'Meant To Be?'

By AEDRIANNE ACAR

Dumalaw ang Kapuso heartthrob na si Ivan Dorschner sa hit afternoon radio program na Talk To Papa ngayong araw, December 20  para i-promote ang bago niyang soap na Meant To Be.

 

(Photo courtesy of Isabel Bulatao)

Masaya ang aktor at finally isa na siyang Kapuso at ilang tulog na lang ay mapapanood na ang primetime series niya kung saan makakasama niya sina Barbie Forteza, Ken Chan, Jak Roberto at Addy Raj sa darating na January 9, 2017.

Ani Ivan, “I am so happy naman na naging Kapuso ako. Kaka-sign ko lang sa Artist Center and ayun mayrun na po kaming bagong show.”

Ni-reveal din ng Kapuso actor na isa sa mga goals sa kanyang bucket list ang natupad nang maka-trabaho niya ang veteran actress na si Gloria Romero na may special participation sa Meant To Be.

Paliwanag niya, “This is my first time para makasama ko isang talagang foundation nang showbiz industry natin si Ms. Gloria Romero, so it’s very-very exciting. Isa siyang parang bucket list na na-checked off na naman,”

 

More on BARANGAY LS:

Barangay LS DJ Papa Marky wins big at the 3rd Inding-Indie Short Film Festival

WATCH: Barangay LS DJs nahuling natutulog sa trabaho?

IN PHOTOS: Ate Liza & Jak Roberto host grand event of Alden Richards