WATCH: GV morning with 'Tsuperhero' star Valentin | GMANetwork.com - Radio - Articles

'Tsuperhero' ang pinakauna niyang show sa telebisyon.

WATCH: GV morning with 'Tsuperhero' star Valentin

By AEDRIANNE ACAR

Maraming humahanga sa bagong comedian na si Valentin na linggo-linggo napapanood sa panalong sitcom na Tsuperhero, lalo na't mahusay niyang ginagampanan ang karakter ni Polding.

Hindi halata na sa mga eksena niya kasama ang batikang comedian at direktor na si Philip Lazaro na ang Tsuperhero ang pinakauna niyang show sa telebisyon.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Valentin sa Sikat sa Barangay ni Mama Belle this January 26, umamin ang komedyante na nagulat siya sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa show nila.

Aniya, “Honestly ako hindi ko inexpect na ganun kaganda ‘yung magiging reception nung mga tao. Although naniniwala naman ako from the start na maganda ‘yung show dahil ‘yung sa script pa lang binasa namin then habang ginagawa namin napi-picture ko na magugustuhan ng mga masa tao lalo na ng mga bata.”

Para sa mas mahabang kuwentuhan kasama si Valentin, panoorin ang Facebook Live video niya below:


MORE ON BARANGAY LS:

LOOK: Trending Thursday with Ken Chan in 'Sikat sa Barangay'

LOOK: It's a kilig morning with Kristoffer Martin in 'Sikat Sa Barangay'

LOOK: Movie date with Kapuso boyband One Up