'Encantadia' star Klea Pineda, nami-miss si Lolo Hagorn | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa patuloy na pamamayagpag ng 'Encatadia' sa primetime, malayo na ang narating ng istorya at marami na rin ang nawalang mga karakter dito. 

'Encantadia' star Klea Pineda, nami-miss si Lolo Hagorn

By AEDRIANNE ACAR

Blooming in her red OOTD ang Encantadia beauty na si Klea Pineda nang mag-guest ito sa Sikat sa Barangay ni Mama Belle.

Dito exclusibong nakapanayam ng GMANetwork.com si Muyak, kung saan natanong namin ito sa patuloy na pamamayagpag ng telefantasya series sa primetime.

EXCLUSIVE: Klea Pineda reveals new celebs will soon join 'Encantadia' 

Pag-amin ni Klea na malaking bagay sa buong Encantadia production na nangunguna sila sa ratings.

Saad niya, “Para sa aming artista big deal, sobrang big deal ‘yung maging first kami sa ratings 'di ba, na matalo namin ‘yung kabila. Big deal sa amin ‘yun kasi pinaghihirapan namin  ‘yun. Buong Enca cast, buong production, lahat ng mga staff, dun talaga ‘yung effort nila pinagsasama-sama namin  lahat,”

Nabanggit din ng StarStruck winner na nami-miss nila ang mga dati nilang kasama sa Encantadia, tulad ni John Arcilla na gumanap bilang Hagorn, na namatay na ang karakter.

Ani Klea, “Nakakamiss kasi lalo na si Lolo Hagorn (John Arcilla) ‘yun kasi ‘yung tawag sa kaniya dun nung nandun siya. Nakikipagkuwentuhan, ganyan, nakaka-miss ‘yung mga presence nung mga yumao na sa Encantadia,”

“Nakakalungkot pero wala tayong magagawa eh. ‘Yun yung plano ng mga writers,”

Muling balikan ang guesting ni Klea Pineda sa Barangay LS 97.1 dito:

More on BARANGAY LS:

LOOK: Trending Thursday with Ken Chan in 'Sikat sa Barangay'

LOOK: StarStruck first princess Ayra Mariano  in 'Sikat sa Barangay'

IN PHOTOS: Sweet morning with Denise Barbacena in 'Sikat Sa Barangay'

Photo by: kleapineda (IG)