Bagong 'Wanted Sweetheart' DJ, artistahin daw ayon sa netizens | GMANetwork.com - Radio - Articles

Kahawig niya raw ang 'Encantadia' hunk na si Ruru Madrid at veteran actor na si Albert Martinez.  

Bagong 'Wanted Sweetheart' DJ, artistahin daw ayon sa netizens

By AEDRIANNE ACAR

 

Ipinakilala sa mga Kabarangay this week ang macho guwapito na bagong DJ ng Barangay LS 97.1 na si Papa Bol.

Ang magaling na radio host mula sa Barangay 102.3 General Santos ang siyang napiling maging bagong host ng weeknight flagship program ng Kapuso FM station na Wanted Sweetheart.

Napanood ng netizens ang pagho-host ni Papa Bol sa ilang programa ng Barangay LS via Facebook Live. 

Wanted Sweetheart na kasama ang bagong Dreamboy!

Posted by BARANGAY LS 97.1FM on Tuesday, March 7, 2017

 

 

Posted by BARANGAY LS 97.1FM on Tuesday, March 7, 2017

 

Hindi mapigilan ng mga kababaihan na kiligin kay Papa Bol at maraming nagsasabi na artistahin ito.

Ang ilan sa mga Kabarangay ay napansin na kahawig niya ang Encantadia hunk na si Ruru Madrid at veteran actor na si Albert Martinez.  

 

Mga Kabarangay sino-sino pa ang celebrities na kahawig ng bagong dream boy ng Barangay LS na si Papa Bol?  

More on PAPA BOL:

LOOK: Throwback to Papa Bol’s photoshoot for the Barangay LS nationwide campaign