EXCLUSIVE: Papa Dan reacts to the new Wanted Sweetheart DJ Papa Bol | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ano nga ba ang masasabi ng dating host ng 'Wanted Sweetheart' sa pumalit sa kanya?

EXCLUSIVE: Papa Dan reacts to the new Wanted Sweetheart DJ Papa Bol

By AEDRIANNE ACAR

Todo ang suporta ng former DJ ng Barangay LS 97.1 na si Papa Dan sa bagong Wanted Sweetheart radio host na si Papa Bol.

Sa ekslusibong panayam ng GMANetwork.com kay Papa Dan na kasalukuyan nang nasa Australia, dapat daw abangan ng mga girls ang bagong dream boy na magpapakilig gabi-gabi.

Ipinanganak si Papa Bol sa Iloilo at sa loob ng apat na taon ay naging radio DJ siya sa Barangay 102.3 General Santos.

 

A post shared by Papa Bol (@papabol971ls) on

 

Ani Papa Dan, “Sobrang masaya ako siyempre dahil tuloy ang kilig at tuloy ang ligawan sa Wanted Sweetheart and sigurado, pakikiligin kayo lalo ng tunay na Papa Bol, ang bagong dream boy ng bayan. Naku  ‘yung mga girls dati pag sinasabi ko,'naku huwag kayo mai-inlove sa akin, bawal magkagusto sa akin.’ [Pero] dito sa bagong dream boy, sa bagong cupido ng Wanted Sweetheart, ewan ko na lang kung hindi ka pa main-love at kiligin.”

Tiwala din ang dating radio host na nasa mabuting kamay ang Wanted Sweetheart.

“Matagal ko na siyang kilala, nagkakausap kami madalas at bilib ako sa taong ito because he is always willing to learn. He asked me ano ba ang okay gawin? Tama ba ‘yung ginawa niya sa programa. Alam mo ‘yun, malayo ‘yung mararating ng tao na everyday gustong matuto. He would always ask a lot of questions, ‘yung hindi satisfied sa kaniyang performance kasi gusto niyang galingan. And I am very confident that maipagpapatuloy niya ‘yung gusto nating mangyari sa Wanted Sweetheart.”

Nagbigay din ng ilang tips si Papa Dan kay Papa Bol at ipinaalala nito na ituring na barkada ang kaniyang mga radio listeners.

“Naku galingan mo lang at mag-enjoy. At huwag mo iparamdam sa mga listeners na DJ ka tapos listeners lang sila. Sana ituloy mo lang ang saya at dagdagan mo pa ‘yung kilig at ang pagpapasaya sa ating mga Kabarangay at mga Kapuso. Naku bilib ako sa iyo at masayang-masaya ako sa panibagong chapter ng Wanted Sweetheart at siguradong mas kikiligin pa ang ating mga Kabarangay.”

“Basta gawin mo lang parang isang malaking barkada lang tayo on-air, para hindi nila maramdaman na ang layo mo sa kanila, para maka-relate pa rin sila at maging masaya.”

More on BARANGAY LS:

Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas, ready nang makipag-tugstugan sa barangay!

IN PHOTOS: Future beauty queen Klea Pineda shines in 'Sikat sa Barangay'

IN PHOTOS: Tsuperhero comedian Valentin in 'Sikat sa Barangay'