WATCH: Rama Ybrahim bumisita sa 'Sikat sa Barangay' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Naka one-on-one ni Mama Belle si Rama Ybrahim sa 'Sikat sa Barangay.'

WATCH: Rama Ybrahim bumisita sa 'Sikat sa Barangay'

By AEDRIANNE ACAR

 

Maraming Kapuso girls ang tumutok sa guesting ng Encantadia heartthrob  at gumaganap bilang si Rama Ybrahim na si Ruru Madrid sa morning radio program ni Mama Belle sa Sikat sa Barangay this Thursday morning.

Dito naka one-on-one ni Mama Belle ang guwapong binata at nagkuwento siya nang ilang detalye sa taping days nila sa telefantasya series.

Kuwento ni Ruru, “Almost everyday po. Actually before talagang ano lang kami 4-times a week- Monday, Wednesday, Friday and Saturday. Ngayon po dahil sa sobrang ganda po ng ratings ng Encantadia. Kaya po talaga pinapaganda po namin, lalong-lalo na si Direk Mark and ‘yung writers din, talagang pinipilit nilang pagandahin ‘yung bawat eksena para po sa mga viewers, dahil nga sa taas din ng ratings po.”

At kahit busy, hindi pa rin nito nakakalimutan ang mag-work out at nagbahagi siya ng ilang diet tips to maintain his sexy physique.

Paliwanag ng Kapuso actor, “Ang diet ko po ngayon high protein, high fats. Pero no carbs, no sugar. Nung time na ginawa ko po kasi na puro protein lang medyo nahihilo po ako sa taping, siyempre puyat po lagi, so ginawa ko po itong ketogenic diet hindi po ako nahihilo, hindi ako nanghihina mas lumalakas pa ako.”

Panoorin ang buong interview ni Mama Belle kay Ruru Madrid sa Sikat sa Barangay:

FB live with Ruru Madrid sa Sikat Sa Barangay ngayong 11 to 12nn. #RURUatBrgyLS

Posted by Mama Belle LS on Wednesday, March 15, 2017

 

More on BARANGAY LS:

IN PHOTOS: Future beauty queen Klea Pineda shines in 'Sikat sa Barangay'

IN PHOTOS: Tsuperhero comedian Valentin in 'Sikat sa Barangay'

IN PHOTOS: Sweet morning with Denise Barbacena in 'Sikat Sa Barangay'