EXCLUSIVE: Kamusta ang unang linggo ni Papa Bol bilang 'Wanted Sweetheart' host? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Papa Bol, nagkuwento siya sa kanyang unang linggo bilang bagong host ng 'Wanted Sweetheart.'

EXCLUSIVE: Kamusta ang unang linggo ni Papa Bol bilang 'Wanted Sweetheart' host?

By AEDRIANNE ACAR AND INTERVIEW BY MERYL LIGUNAS

 

Bumaha nang tawanan at kilig sa Facebook and Twitter Live Q&A ng pinakabagong Barangay LS DJ na si Papa Bol, kahapon March 20.

Dito nakasama ng hunky DJ ang dalawa sa magaling na Kapuso FM radio hosts na sina Mama Emma at Papa Carlo.

Sa exclusive na interview ng GMANetwork.com kay Papa Bol, nagkuwento siya sa kanyang unang linggo bilang bagong host ng Wanted Sweetheart.

Kuwento niya, “For the first week alam mo it’s very surprising nga kasi people have been so welcoming sa akin since umupo ako sa Wanted Sweetheart and I like how the callers are parang okay. Siyempre medyo skeptical [ako] kung ano ba talagang [intentions nila] pero you can hear them na parang seryoso sila when it comes to the goal of the program. It’s been very fulfilling for the past week,”

Ramdam din ni Papa Bol ang mainit na suporta ng mga kapwa niya DJ sa Barangay LS at taos-puso ang pasasalamat niya sa kanilang lahat.

“I love all of them and I have all the reasons to do so, kasi ‘yung pag-welcome nila at pagtanggap nila sa akin.”

Muling balikan ang kulitang naganap sa Facebook and Twitter Live Q&A nina Papa Carlo, Mama Emma at Papa Bol.

#BarangayLSFBLive na! Comment below!

Posted by BARANGAY LS 97.1FM on Monday, March 20, 2017

 

More on Papa Bol:

LOOK: Throwback to Papa Bol’s photoshoot for the Barangay LS nationwide campaign 

EXCLUSIVE: Papa Dan reacts to the new Wanted Sweetheart DJ Papa Bol

EXCLUSIVE: Papa Bol, umaming nabigo rin sa pag-ibig kaya matinding humugot ng mga love advice