EXCLUSIVE: Paano ba manligaw ang dream boy ng Barangay LS? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Nagbigay ng ilang tips ang bagong Mr. Cupido ng Barangay LS na si Papa Bol pagdating sa panliligaw.

EXCLUSIVE: Paano ba manligaw ang dream boy ng Barangay LS?

By AEDRIANNE ACAR

Nagbigay ng ilang tips ang bagong Mr. Cupido ng Barangay LS na si Papa Bol. Siya ang nagsisilbing host sa flagship program ng Kapuso radio station na ‘Wanted Sweetheart.’

EXCLUSIVE: Meet the new dream boy of 'Wanted Sweetheart'

Para sa guwapong dj ng Barangay LS, wala pa rin tatalo sa traditional way ng panliligaw sa isang babae.

Nagkuwento pa siya nang pinaka-sweet niyang ginawa sa isang tao na nililigawan niya. 

Saad niya, “Gusto ko muna kasi parang formal na parang magkaibigan lang muna sa una. Then if I feel comfortable, dun na lumalabas ‘yung mga love notes.

“The last time I did was like para siyang book bind o [scrap book] na mayrung pictures nung babae, tapos may mga notes. ‘Yung isang page mayroon nung panyo na binigay niya sa akin before na tinago ko, na never kong nilabhan. Tapos mayroon sigurong five or six pages na natitira, nilagay ko dun, these blank pages will be for our story.”

May payo din si Papa Bol sa mga kalalakihan kung anong qualities ang dapat hanapin nila sa isang babae para masabi na isa itong “keeper.”

"Sa panahon ngayon, things have changed, na modern na lahat. If you find someone na nakaka-appreciate nang [traditional] ganun, ‘yun na ‘yun eh. That’s your sign na you’ve found a good girl para sa buhay mo. Kasi not everyone can appreciate things like drawing mo ng mukha niya kahit tabingi ‘yung ilong or kaya mga notes na napaka-corny or cheesy ng mga rhymes.

“If you have a chance na makakita ng ganung tao, that’s a keeper.”

More on Papa Bol:

LOOK: Throwback to Papa Bol’s photoshoot for the Barangay LS nationwide campaign 

EXCLUSIVE: Papa Dan reacts to the new Wanted Sweetheart DJ Papa Bol

EXCLUSIVE: Papa Bol, umaming nabigo rin sa pag-ibig kaya matinding humugot ng mga love advice