#HowToBeYouPo: Netizens kinilig sa first dream date ni Papa Bol | GMANetwork.com - Radio - Articles

Hindi napigilan ng ulan ang first dream date ni Papa Bol kasama ang isang lucky Kabarangay nitong nakaraang Sabado, April 1.

#HowToBeYouPo: Netizens kinilig sa first dream date ni Papa Bol

By AEDRIANNE ACAR

 

Hindi napigilan ng ulan ang first dream date ni Papa Bol sa isang lucky girl nitong nakaraang Sabado, April 1.

READ: Wanted: Dream date with Papa Bol

Nakasama ng hottie radio host ng Wanted Sweetheart si Mary Ann Cruz o Ruth na taga Fairview, Quezon City sa isang bonggang date.

 

kasama ko na po ang aking date sa wanted dream date with papabol #ruth

Posted by Papa Bol on Saturday, April 1, 2017

 

Nag-post si Papa Bol ng ilang highlights ng kaniyang date with Ruth sa Facebook at bumaha ng comments mula sa ating mga Kabarangay at maraming girls ang tila hindi maiwasan mainggit sa opportunity na makasama ang guwapong DJ.

 

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Ruth masayang-masaya ito na nagkaroon siya ng chance na makasama si Papa Bol.

Aniya,“Ang saya first time kasi na ma-experience ‘yung ganun, tapos sa ganung kabongga. Kahit isipin mo na for the sake of ‘yung may napalanunan lang ako, pero pag once na inenjoy mo  mafi-feel mong special ka.”

Dagdag pa nito, “Best part nung nagkaroon kami nang time para mag-usap ni Papa Bol, kasi dun mo makikilala ‘yung isang tao, kapag  dalawa na lang kayong nag-uusap.”

Nag-enjoy din ang Wanted Sweetheart DJ na maka-date ang tulad ni Ruth.

Saad niya, “Actually nagulat ako kasi it’s just a few times na may makikilala kang tao na napaka-exicting , which is a good thing kasi sarap niyang kausap."

More on BARANGAY LS:

LOOK: Grand summer party with 'Meant To Be' heartthrob Addy Raj

LOOK: Up close and personal with the dream boy of Barangay LS

LOOK: Throwback to Papa Bol’s photoshoot for the Barangay LS nationwide campaign