RGMA Pera Sorpresa: What will you do if you win P1 Million? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Huwag gawing simpleng pangarap ang P1 Million, dahil may pagkakataon na kayong manalo ng limpak-limpak na pera sa 'Pera Sorpresa.'

RGMA Pera Sorpresa: What will you do if you win P1 Million?

By AEDRIANNE ACAR

Ano ang gagawin mo kung sakaling manalo ka ng P1 Million?

Para sa resident Kabarangay DJ natin na si Mama Cy, pagkakataon daw niya na makapag-invest kung sakaling siya ang palarin makakuha ng ganitong halaga.

Aniya, “Pag nangyari pala sa iyo ‘yun mabablanko ka din noh. Siguro ako kung ako ‘yung mabibigyan ng P1 Million ilalagay ko muna talaga sa bangko or investment kasi nauuso ngayon ‘yung mga stocks o basta marunong ka lang or mayrun kakilala na marunong na puwede mag-guide sa iyo sa [stock investment] kasi talaga dun tumutubo ‘yung pera.”

Mukha naman bakasyon grande ang naiisip ng Potpot and Friends host na si Papa Jepoy kung sakaling suwertehin at manalo ng P1 Million.

Kuwento niya, “Papakinin ko muna ‘yung mga DJs ng Barangay LS [laughs]. Magbo-blow out muna ako, catering ganiyan, eat all you can o kaya bakasyon. Magbabakasyon kasama ang mga DJ. Alam mo maraming puwede gawin sa P1 Million, negosyo, puwede kang bumili ng lupa. Puwede kang tumulong ‘yan ang maganda. Tumulong sa pamilya mo, sa Kabaranggay natin, kahit maliit na bagay.”

Huwag gawing simpleng pangarap ang P1 Million, dahil may pagkakataon na kayong manalo ng limpak-limpak na pera. Sali na mga Kabarangay sa bonggang proof-of-purchase (POP) promo ng Radio GMA na Pera Sorpresa.

Mas pinalaki at mas pinarami ang prizes na puwede ninyong mapalunan na tiyak babago sa buhay n’yo.  

RGMA Pera Sorpresa jumpstarts new season with bigger prizes

Heto na ang pagkakataon ninyong lahat para magwagi ng grand prize na P1 Million o isa kayo sa five winners mula sa South Luzon, North Luzon, Visayas, Mindanao, and Mega Manila na mag-uuwi din ng P25,000 each sa grand draw sa July 8.

Mag-send na ng maraming entries kalakip ang POP ng particiipating brands para mas malaki ang tiyansa n’yo na manalo sa Pera Sorpresa!