Radio GMA tutuparin ang matagal nang hinihiling ng listeners sa April 24! | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ayon kay Mike Enriquez na tumatayong Radio GMA Network, Inc. (RGMA) President, isang milestone na maituturing sa DZBB ang pagbabago na ito.

Radio GMA tutuparin ang matagal nang hinihiling ng listeners sa April 24!

By AEDRIANNE ACAR

 

PHOTO BY  Michael Paunlagui, GMANetwork.com

Bongga ang handog ng Radio GMA para sa kanilang mga avid listeners, dahil simula next week, April 24 mapapanood sa free TV sa pamamagitan ng GMA News TV ang mga pinakamalalaking pangalan sa radio broadcast industry.

Sama-samang panoorin ang mga paborito ninyong shows sa Dobol B na Saksi Sa Dobol B, Super Balita Sa Umaga Nationwide, Sino? at Dobol A sa Dobol B sa GMA NewsTV Monday-Friday from 6AM-11AM.

Ayon kay Mike Enriquez na tumatayong 24 Oras anchor at Radio GMA Network, Inc. (RGMA) President, isang milestone na maituturing sa DZBB ang pagbabago na ito.

“Dobol B sa GMA NewsTV will be a milestone in the very long history of DZBB, I don’t know if you know, maybe through you we can inform the public, na ang GMA started with station DZBB way back after the war as Republic broadcasting system, so DZBB is where it all began.”

Nagkuwento naman si Joel Reyes Zobel nang mga ginawa niyang paghahanda para sa malaking pagbabagong ito sa DZBB lalo na at mapapanood na sila nina Mike, Arnold Clavio at Ali Sotto sa telebisyon.

Aniya, “Actually among us four I have the least TV exposure kasi, mayrun akong exposure nung araw nung binuhay ‘yung Kape at Balita kasama ko si Susan Enriquez mga 10 months kami umere…Mayrun na rin akong konting exposure sa TV so kumbaga parang konting practice lang at saka basically were doing what we do on radio, ‘yun din ang gagawin namin sa TV,”

Ang Dobol B sa GMANewsTV ay resulta din daw nang pakikinig ng buong GMA Network sa pulso ng mga tao na gustong mapanood ang mga radio anchors ng DZBB sa free TV.

Paliwanag ni Ali Sotto, “We are also responding to the clamor so marami kaming mga interactive na medium di ba may text populi kami, ‘yung mga comments sa Facebook Live, mayrun kami sa Twitter. And a lot of people were asking na sana daw napapanood din ‘yung kulitan sa umaga di ba… So 'yun lamang parang ang daming nagre-request din na 'sana mapanood naman namin ‘yung pinaggagawa n’yo.' so GMA listened.”

Nagpasalamat naman ang mainstay ng Unang Hirit na si Arnold Clavio sa mga loyal listeners nila sa DZBB na naging susi para matupad ang Dobol B sa GMA NewsTV.

“Ako naman gusto ko pasalamatan ‘yung mga listeners ng DZBB nanalo kayo, dahil ito na ‘yung hiling n’yo. Ito ‘yung clamor nila na matagal na.Biro mo taon bago nagdesisyon ang GMA management na i-TV na kami. Thank you sa mga listeners namin sa kanilang pangungulet, heto na.”

More on DZBB:

WATCH: Balitang umaatikabo tuwing umaga sa Dobol B sa NewsTV

LOOK: A great morning with our Kapusos at Barangay Bagong Ilog, Pasig City

WATCH: Mas maganda ang umaga n'yo dahil ang Dobol B nasa GMA News TV na!