WATCH: 'Encantadia' star Arra San Agustin open to doing any roles | GMANetwork.com - Radio - Articles

Nag-guest ang Kapuso aktres sa 'Sikat sa Barangay' program ni Mama Belle.   

WATCH: 'Encantadia' star Arra San Agustin open to doing any roles

By AEDRIANNE ACAR

Matapos sumali sa groundbreaking reality artista search ng bansa na StarStruck ay unti-unti gumagawa ng sariling marka si Arra San Agustin sa mundo ng showbiz.

Napapanood siya  regularly sa hit gag show na Bubble Gang at nakuha niya ang role bilang si Ariana sa telefantasya series na Encantadia.

Sa guesting niya this morning sa Sikat sa Barangay ni Mama Belle, natanong ang magandang dalaga kung ano ang dream role niya.

Saad niya, “Sa akin naman po as of now this is my exploration stage po ng pagiging artista, since nakaka-isang taon pa lang po ako after StarStruck. So gusto ko po malaman and i-explore lahat.”

“Gusto ko pong i-try muna lahat para malaman ko po kung saan ako babagay.”

Panoorin muli ang chikahan ni Arra San Agustin sa Sikat sa Barangay sa Facebook Live video below.

 

MORE ON BARANGAY LS:

IN PHOTOS: Foreign and local celebs visit 'Sikat Sa Barangay'

LOOK: A night to remember with Kapuso crooner James Wright

Sikat sa Barangay: Sang'gre Mira is in the house!