WATCH: Ano ang kuwento sa likod ng kantang 'Sinta' ni Glaiza de Castro? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Nakaone-on-one ng Sikat sa Barangay host na si Mama Belle ang Hara ng Hathoria na si Glaiza de Castro. 

WATCH: Ano ang kuwento sa likod ng kantang 'Sinta' ni Glaiza de Castro?

By AEDRIANNE ACAR

Nakaone-on-one ng Sikat sa Barangay host na si Mama Belle ang Hara ng Hathoria na si Glaiza de Castro na gumaganap na Pirena sa hindi mapantayan na Kapuso primetime series na Encantadia.
 

Sa panayam ni Glaiza, nagkuwento ang versatile actress sa bago niyang single na pinopromote, ang ‘Sinta.’

Kuwento niya, “Actually mayrun din akong isang kaibigan din na sumulat niyan, pinadalhan niya ako niyan. Tapos parang actually ‘yung collaboration namin when it comes to song writing para siyang ‘yung conversation namin.”

Dagdag nito, “Never namin siyang inimagine na tara gawa tayo ng kanta, tapos i-record natin tapos i-release natin. Itong mga kantang ‘to matagal nang nasulat, nung time nga na nire-review ko ‘yung mga notes ko, 'tsaka ‘yung mga compositions ko parang 2013 pa yata ito, mga ilang years ago na.”

“Tapos nung nagkaroon ako ng opportunity to co-produce with Polyeast sabi ko sige nga ilabas ko nga ito. Never ko pa siya naareglo as in nasa voice notes lang siya, voice memo ko sa phone ko.”

Panoorin ang buong interview ni Glaiza de Castro sa Barangay LS sa Facebook Live video below:

FB live with Miss Glaiza de Castro sa Sikat Sa Barangay, 11am to 12nn.????

Posted by Mama Belle LS on Wednesday, May 3, 2017

 

More on Barangay LS:

WATCH: 'Encantadia' star Arra San Agustin open to doing any roles

WATCH: D' Originals stars spotted sa Sikat sa Barangay!

SNEAK-PEAK: Papa Bol's third dream date