WATCH: Kris Bernal, nagtataka kung bakit siya ang napiling gumanap na bida sa 'Impostora' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa panayam ni Mama Belle sa 'Sikat sa Barangay,' nagkuwento si Kris sa magiging role niya sa upcoming soap.

WATCH: Kris Bernal, nagtataka kung bakit siya ang napiling gumanap na bida sa 'Impostora'

By AEDRIANNE ACAR

 

Blooming ang Kapuso leading lady na si Kris Bernal nang mag-guest siya sa morning radio program ni Mama Belle na Sikat sa Barangay, ngayong Huwebes May 11.

Sunod-sunod ang malalaking project ni Kris, dahil bukod sa pagiging cover girl ng isang men’s magazine ngayong May ay mapapanood din siya sa pinakabagong afternoon drama na Impostora na malapit nang ipalabas.

LOOK: Kris Bernal blossoms on the May 2017 cover of men's magazine

Sa panayam ni Mama Belle, nagkuwento si Kris sa magiging role niya sa soap.

“Ang Impostora tungkol siya sa dalawang babae. Isang ipinanganak na hindi kagandahan pero may mabuting kalooban. At ito namang isa talagang napakasama ng ugali. As in self-centered at saka ‘yung gandang-ganda lang siya sa sarili niya, GGSS.  Hindi ko nga alam kung bakit ako ‘yung pinili eh di rin naman ako kagandahan [laughs].” 

Aminado rin ito na challenging ang role, dahil dalawang karakter ang ginagampanan niya.

“Sobrang pinaghirapan naman ‘to, pinaghihirapan talaga namin ‘to… Mahirap talaga kasi sa totoo lang siyempre pagdating sa set sa mga eksena kausap ko sarili ko kasi parang bida-kontrabida kasi.”

Kung nabitiin kayo sa one-on-one interview ni Kris Bernal, heto ang buong Facebook Live video ng Kapuso actress sa Sikat sa Barangay.

 

FB live with Kris Bernal sa Sikat Sa Barangay ngayong 11am to 12nn

Posted by Mama Belle LS on Wednesday, May 10, 2017

More on BARANGAY LS:

WATCH: Ano ang kuwento sa likod ng kantang 'Sinta' ni Glaiza de Castro?

LOOK: Ariana at Deshna bumisita sa 'Sikat sa Barangay'

IN PHOTOS: Ate Liza's travel guide to Taiwan