Aicelle Santos, ibinirit ang bagong jingle ng DZBB | GMANetwork.com - Radio - Articles

Nakipag-tsikahan at naki-jamming si Traffic Diva Aicelle Santos sa programang Walang Siesta ng Super Radyo DZBB noong May 11, 2017.

Aicelle Santos, ibinirit ang bagong jingle ng DZBB

 

Nakipag-tsikahan at naki-jamming si Traffic Diva Aicelle Santos sa programang Walang Siesta ng Super Radyo DZBB noong May 11, 2017.

Ibinahagi ni Aicelle ang kwento ng bawat kanta ng kanyang bagong album na Liwanag under HomeworkZ Music na pagmamay-ari ni RNB Prince Jay R. Malaki nga raw ang naitulong ni Jay R sa mga katulad niyang independent artist.

“Itong Liwanag kasi I produce the album, tapos I sought the help of Jay R who’s with HomeworkZ sabi ko ‘Jay baka pwede mo ako tulungan sa distribution at marketing’

“Siyempre Jay being a friend and proponent ng OPM sabi niya ‘sige  tara… tulungan tayo’ ”

“Nakakatuwa siya dahil inspirasyon siya sa tulad naming independent artists, we called ourselves ‘independent’ dahil hindi kami talaga naka-angkla sa recording label.

“Ang nangyayari sa artists dito sa HomeworkZ ay kanya-kanya kaming produce, kanya-kanya kaming gawa ng kanta pero andiyan and HomeworkZ to help us promote and distribute our song”

Hands-on din Aicelle sa paggawa ng kanyang album. Maging ang cover nito ay may konek sa kanyang buhay.

“Yung mga nakakikitang images (sa loob ng album) ay mga ceiling ng simbahan dito sa Manila, gaya ng Manila Cathedral, San Sebastian Church. At ito (CD) sunflower kasi paborito ko. Lahat ng kanta sa aking album ay paborito ko."

Inamin naman ni Aicelle na napag-uusapan na nila ni GMA News Reporter Mark Zambrano ang pagpapakasal. Nasa hustong edad na raw ito kaya wala naman daw magiging problema.

Sa music video ng bagong single ni Aicelle na Palaging Ikaw ay leading man niya si Mark. Hindi raw siya nahirapan kumbinsihin ang nobyo dahil agad naman daw itong pumayag.

“Umo-o agad siya (na kasama sa music video), sabi ko mahal okey lang? sabi niya ‘Sure’.

Divadingdings Exclusive:

ICYMI: Aicelle Santos, nakipag-tsikahan sa Divadingdings ng Super Radyo DZBB 594khz - Paano niya napapayag ang Boyfriend na si Mark Zambrano sa music video ng kanyang kanta na Palaging Ikaw? - Ikinuwento ni Aicelle ang bago sa kanyang album na Liwanag under Homeworkz.

Posted by Walang Siesta on Friday, May 12, 2017

 

At bago magtapos ang panayam ng Divadingdings na sina Tootie, Janna Chuchu at Mega Ohlala ay ibinirit din ni Aicelle ang bagong jingle ng Super Radyo dzBB.

Si Traffic Diva Aicelle Santos, na-LSS na sa bagong jingle ng Super Radyo DZBB 594khz, sino kaya ang susunod na mahoholdap ng Divadingdings? ABANGAN NOTE: Old video file from our Walang Iwanan TVC campaign (2010)

Posted by Walang Siesta on Thursday, May 11, 2017

 

Ang Liwanag album ni Aicelle ay maaari nang mabili sa lahat ng record store sa buong Pilipinas at pwede ring madownload sa ITunes, Spotify, Amazon.

SIESTA JAM (Hod-up): Palaging Ikaw by Aicelle Santos

SIESTA JAM (Hold-up): Palaging Ikaw by Aicelle Santos

Posted by Walang Siesta on Friday, May 12, 2017