Si Papa Obet ng Barangay LS, napapakinggan na sa dzBB? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Dahil isang buwan mawawala si Long Tall Howard ay pansamantalang mapapakinggan sa dzBB ang isa sa mga in-demand na DJ ng Barangay LS 97.1 na si Papa Obet.

Si Papa Obet ng Barangay LS, napapakinggan na sa dzBB?

Kasalukuyang nagbabakasyon sa Amerika si Long Tall Howard Medina ng programang the Long Tall Howard Medina Show ng dzBB na napapakinggan Lunes Hanggang Biyernes mula 1:00pm- 2:30pm.

At dahil isang buwan mawawala si Long Tall Howard ay pansamantalang mapapakinggan sa dzBB ang isa sa mga in-demand na DJ ng Barangay LS 97.1 na si Papa Obet.

Ultimate throwback ng mga awitin mula 60’s, 70’s at 80’s ang tema ng programa ni Long Tall Howard, kaya naman sa mga nag-sisiesta at gustong magreminisce sa mga awitin ng nakalipas ay laging nakikinig ng naturang programa.

The Long Tall Howard Medina Show: DZBB's ultimate throwback music program

Pero 'wag malungkot ang mga tumututok sa programang The Long Tall Howard Medina Show, dahil pagtitiyak ni Papa Obet ipatutugtog pa rin niya ang mga nakagawian ng programa.

“Oldies but goodies kasi ang tema ng programa so dekada na ang karanasan ni Long  Tall Howard samantala ako millennial (hehehe),pero  ipatutugtog ko pa rin yung mga songs from 60’s, 70’s at 80’s”

“Kumbaga may mga songs si Long Tall din sa playlist ko at dadagdagan ko rin ng iba pang musika”

“Bago naman ako umupo dito (sa dzBB), inorient naman ako ni Long Tall Howard “

Hindi naman daw bago para kay Papa Obet ang musikang ipinapatugtog sa The Long Tall Howard Medina Show dahil kahalintulad ito ng kanyang programa sa barangay LS ang Barangay Love Songs.

“Tuwing Sunday sa Barangay LS mga classic songs ang pinapatugtog ko mula 11pm-12MN sa programang Barangay Love Songs’”

“Throwback kung throwback talaga at hanggang nagyon marami pa rin ang nagre-request sa mga music dati”

At dahil hindi na lang sa FM napapakinggan si Papa Obet ay hindi lang playlist ang kanyang inihahanda kundi mahilig na rin daw itong manood at magbasa ng mga balita.

“Dito sa dzBB kasi may balita, so kailangan kong malaman ano ang bago para alam ko rin ang mga nangyayari at iniuulat ng dzbb reporters, mahirap na uupo lang ako na playlist lang dala ko dapat alam mo rin ang nangyayari sa kapaligiran para kung may mga tanong ay maitatanong ko pa nang sa ganun ay malalaman ng listeners kung ano ang nangyayari sa labas”

“Malaki ang pagkaiba ng AM sa FM, ditto sa dzBB busy ang tao sa LS easy lang kasi more on music, dito sa dzBB music, talk and news”

Watch below:

 

Mga Kapuso, pansamantalang makakasama natin sa loob ng isang buwan si Papa Obet ng BARANGAY LS 97.1FM sa programang #TheLongTallHowardMedinaShow , Lunes hanggang Biyernes mula 1:00pm-2:30pm.

Posted by Super Radyo DZBB 594khz on Tuesday, May 9, 2017