WATCH: Derrick Monasterio, nagkuwento tungkol sa mga hirap na pinagdadaanan sa 'Mulawin VS Ravena' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Mas mahirap nga ba ito kaysa sa 'Tsuperhero?'

WATCH: Derrick Monasterio, nagkuwento tungkol sa mga hirap na pinagdadaanan sa 'Mulawin VS Ravena'

By AEDRIANNE ACAR

 

Sa darating na Lunes, May 22 lilipad na at maghahari sa primetime block ang pinakamalaking Kapuso telefantasya series na Mulawin VS Ravena.

Kaya naman ang cast nito ay todo na sa pagpo-promote para sa pilot airing nila next week.

Kahapon May 18, nag-guest ang Kapuso heartthrob na si Derrick Monasteriosa morning radio program Sikat sa Barangay kung saan nagkuwento siya patungkol sa kanyang role bilang Almiro.

Saad niya, “Sa una po kasi Mama Belle tao pa lang ako, so hindi pa ako nakakapag-taping ng may costume. So, parang inaapi-api ako sa una ganun tapos ‘yun ‘yung parang magbibigay sa akin ng good moral traits ‘yung pagiging tao ko.”

Hindi rin naiwasan ng guwapong aktor na mapa-throwback lalo na at fan siya ng pinaka-unang Mulawin series na pinagbidahan nina Richard Gutierrez at Angel Locsin.

“Grabe bata pa lang talaga ako, Grade 3 ‘yun talaga ‘yung mga topic [Mulawin 2004] namin sa school, sa classroom”

Natanong din ni Mama Belle si Derrick kung gaano kahirap ang mga action scenes ng Kapuso hunk kumpara sa dati niyang show na Tsuperhero.

Paliwanang niya, “Pero ang difference lang niya Mama Belle is kasi dito naka-harness ganun. Sa Tsuperhero kasi parang nakatayo lang pa-pop in pop out ganun. Pero dito may lipad-lipad ganun. Medyo mahirap at saka may weapon,”

Panoorin ang buong guesting ni Derrick Monasterio sa Sikat sa Barangay sa Facebook Live video.

 

FB live with Derrick Monasterio sa Sikat Sa Barangay, 11am to 12nn.????

Posted by Mama Belle LS on Wednesday, May 17, 2017

 

Tumutok din sa pilot airing ng Mulawin VS Ravena sa May 22 pagkatapos ng 24 Oras sa nag-iisa at hindi mapantayan na GMA Telebabad.

More on BARANGAY LS:

LOOK: Ariana at Deshna bumisita sa 'Sikat sa Barangay'

LOOK: Papa Dudut meets the cast of 'Daig Kayo Ng Lola Ko'