EXCLUSIVE: John Raspado shares journey of winning Mr. Gay World 2017; stresses he is a staunch advocate of LGBT | GMANetwork.com - Radio - Articles

Guest si Raspado sa programang Walang Siesta sa Super Radyo dzBB noong May 19 at ikinuwento niya ang kanyang naging paghahanda sa Mr. Gay World 2017.

EXCLUSIVE: John Raspado shares journey of winning Mr. Gay World 2017; stresses he is a staunch advocate of LGBT

Gumawa ng kasaysayan ang 36-year-old na si John Raspado, tubong Baguio City, matapos itong itanghal bilang Mr. Gay World 2017 sa Maspalomas, Spain. Siya lang naman ang kauna-unahang Pinoy at Asian delegate na nagwagi sa naturang search.

 

Bukod doon ay nag-uwi rin si Raspado ng ilang minor awards tulad ng Best in Swimwear, Best in Formal Wear, Mr. Gay World Closed Door Interview, Mr. Online Vote at Mr. Social Media special awards.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si John na tinalo niya ang ilang delagado sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Nang mag-guest ito sa programang Walang Siesta sa Super Radyo dzBB noong May 19 ay ikinuwento niya ang kanyang naging paghahanda sa Mr. Gay World 2017.

Nagkaroon daw siya ng disiplina pagdating sa kanyang pagda-diet at talaga namang tinutukan din siya ng Kagandahang Flores sa kanyang training. Ito rin ang siyang nag-train kay Bb. Pilipinas Miss Universe 2017 Rachelle Peters.

May tawag din sa kanyang lakad sa kumpetisyon…“Since taga-Baguio ako at mukha akong masyadong mabigat, ‘earthquake walk.‘

“Noong national pageant (na ginanap sa University of the Philippines) medyo stiff pa ako at walang masyadong command. Pero binago ito ng Kagandahang Flores kaya malaki ang naitulong (ng training) na 'yung lakad ko parang ‘tabi kayong lahat' 'yun ang 'earthquake walk.’"

“Pero noong nalaman ko kung paano talaga maglakad it's not just walking it’s the way you command your self  talaga. Kailangan mayroong presence at ang number one is confidence. Kailangan may presence ka, dapat inaangkin mo ang stage”

 

 

Bukod sa kanyang diet at lakad ay inihanda rin niya ang kanyang sarili sa Question and Answer portion. “Kasama rin sa training namin sa KF (ang Q&A) as in talaga 'yung mental conditioning”

Bukod doon ay pinag-aralan din ni Raspado ang kultura ng bansang Espanya at maging ang kanyang mga naging nakalaban. “Pinag-aralan ko ang Spain, ang culture nila at lahat ng delegates dahil gusto ko makuha ang ibang awards na 'di ko nakuha sa national pageant sa Pilipinas.”

“Noong national pageant kasi marami ang mga awards na diko nakuha kaya 'yun ang tinarget ko sa international pageant kaya nakuha ko ang swimwear at formal wear,” dagdag niya.

Isa sa mga naiuwing minor awards ni Raspado ay ang Best Closed-door Interview, at aniya umiyak siya nang humarap sa panel. Ikinuwento niya ang dahilan kung bakit siya sumali at mga naranasan niyang descrimination noong siya’y bata pa.

“Sa closed door interview you have to make a speech, we are given 10 minutes, nagpakilala ako kung sino ako, kung ano ang mga achievements  ko at bakit ako sumali. Pamilya ko ang dahilan kung bakit ako sumali." 

Kuwento pa ni Raspado, "Naiyak ako sa topic on discrimination, nabu-bully [kasi] ako noong kabataan ko. Malamya na ako noong bata ako (tinutukso na bakla) at mga kuya ko ang nagde-defend sa akin. Last year na-stroke ang kapatid ko at hindi pa rin siya naka-recover hanggang ngayon, kaya naman siya ngayon ang kinukutya. Nabanggit ko sa closed-door interview na 'yung dating nagtatanggol sa akin ay siya naman ang nadi-discriminate, at noong nandun na ay bigla ko siya naalala at 'di ko na napigilang maluha. Naluha na talaga ako, all through out nang closed-door interview naiyak talaga ako.”

At dahil sa mga naranasang pambu-bully, mayroong mensahe si Raspado sa mga nambubully sa kaniya noon. Aniya, bilang Mr. Gay World 2017 ay nais niyang maging boses para matigil na ang discrimination.

“Kailangan naman nila na buksan ang puso nila at 'wag masyadong maging kritikal. Kailangan maging open-minded at open sa ganitong bagay. Kailangan natin magkaroon ng voice sa community. Sa Pilipinas, sadly, hindi pa talaga accepted ang LGBT. Pero, we are recognized because Philippines is one of the friendliest country. Pero wala pa kasi tayong concrete law na nagpoprotekta sa LGBT.”

Aktibo rin si Raspado bilang ambassador ng 'Love Your Self Inc' para sa HIV awareness. Nakakabahala na raw kasi ang bilang ng kaso ng HIV sa bansa at pabata ng pabata ang mga nagkakaroon ng virus.

Payo niya "'wag matakot magpa-test. Sa 'Love Your Self,' mayroon kaming Test MNl, free testing for HIV, and it’s confidential. Itago niyo muna 'yung hiya niyo kasi kailangan 'yan (HIV testing). Kasi once you have this drive when it comes to sexual behavior kailangan natin maging regular and active na magpa-test."

Nang magwagi si Raspado bilang Mr. Gay World Philippines ay may natanggap na itong offer sa showbiz at ngayon ay sumasailalim na raw siya sa workshop. Kung bibigyan daw siya ng pagkakataon ay gusto niyang makatrabaho sina Kapuso Primetime Queen and King Marian Rivera at Dingdong Dantes.

“After the national pageant ay may offer na ako kay Direk Maryo delos Reyes. Gusto ko makapareha sina  Coco Martin, Piolo Pascual ,and Dingdong Dantes. Sa babae, Marian Rivera, Liza Soberano at Katrina Halili.”

At dahil brusko at gwapo, marami rin daw nagsasabi sa kanya na sayang ito. Pero sorry girls and gays dahil mayroon nang partner si Raspado. “Pasensya na, meron na kasing laman ang puso ko ngayon, si Paolo de Silva na nakabase sa Sydney, Australia. Tatlong taon na ang relasyon namin at nagsimula sa Facebook, LDR kami (long distance relationship).”

Dagdag ni Raspado, “Tanggap kami ng aming pamilya at na-witness ko sa kanya ang pagpo-promote sa akin nang sumali ako sa pageant kahit ayaw niyang sumasali ako sa mga pageant.”

INTERVIEW: Bumisita sa Walang Siesta si Mr. Gay World 2017 John Fernandez Raspado. Alamin ang kanyang paghahanda kung bakit siya ang kauna-unahang Pinoy at Asian na wagi sa Mr. Gay World 2017. Bakit nga ba Eartquake Walk ang tawag sa kanyang lakad sa kumpetisyon?

Posted by Super Radyo DZBB 594khz on Friday, May 19, 2017

 

 

 

Bago matapos ang panayam ay kumanta si Raspado at sinagot din nito ang ilang tanong sa katatapos na Bb Pilipinas 2017

QUESTION: Many countries have already legalized same-sex marriage.  Do you think the Philippines should follow?

"I do believe na kapag LGBT ka you have rights at and we should exercise the full rights of LGBT and siyempre kasama na dun ang same sex marriage.

Q: A high percentage of students are being bullied in schools every day. What are your message to the bullies and their parents?

"Kailangan turuan natin ang mga studyante natin not to discriminate."

Q: This week, the Philippines hosted the ASEAN Summit. If you were invited to speak, what would have been your message to the leaders?

"I would like to talk about LGBT rights as well."

#WalangSiestaJam: Na-holdap ng Walang Siesta si Mr. Gay World 2017 John Fernandez Raspado; John, sinagot din ang ilang tanong sa katatapos na Bb Pilipinas 2017. Fight Song by Rachel Platten No copyright infringement intended

Posted by Super Radyo DZBB 594khz on Friday, May 19, 2017