Mega Ohlala ng 'Walang Siesta,; mapapanood din sa 'Mulawin VS Ravena' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Di na lang sa radio makikipagkulitan si dzBB Walang Siesta host Mega Ohlala dahil mapapanood din siya sa Mulawin VS Ravena.

Mega Ohlala ng 'Walang Siesta,; mapapanood din sa 'Mulawin VS Ravena'

Di na lang sa radio makikipagkulitan si dzBB Walang Siesta host Mega Ohlala dahil mapapanood din siya sa Mulawin VS Ravena.

Masayang-masaya si Mega dahil ipapamalas muli niya ang kanyang galing sa pag-arte. Hindi ito ang una niyang pagsabak sa teleserye dahil minsan na rin siyang napabilang sa My Faithfull Husband nina Jennelyn Mercado at Dennis Trillo. Siya rin ang sidekick ni German “Kuya Germs” Moreno sa programang Walang Tulugan with The Master Showman at may regular segment sila noon bilang host sa nabanggit na programa.

Excited na nga raw si Mega dahil kakaiba ang kanyang role sa Mulawin VS Ravena dahil naka-costume ito na pang-Ravena.

“Masaya kasi first time kong magkaroon ng fantaserye at naka-costume pa.

 

#mvrpinuno

A post shared by Mega Unciano (@megaunciano) on

 

#mulawinvsravena ????????????????????

A post shared by Mega Unciano (@megaunciano) on

Dagdag pa ni Mega, nakapag-taping na siya at isa siyang tsismosang ibon na ang pangalan ay Periko.

“Since, chikadora naman ako, ginawa akong chismosang ibon bilang Periko”

 

#mulawinvsravena sa May 22 na! Manonood po tayo. Salamat po! ????????????

A post shared by Mega Unciano (@megaunciano) on

 

#mulawinvsravena sa May 22 na! ???????? ??

A post shared by Mega Unciano (@megaunciano) on

Si Mega ay Lunes hanggang Biyernes napapakinggan at napapanood sa Walang Siesta via Facebook LIVE, pero sa panibagong project na kanyang tinanggap ay hindi naman daw maapektuhan ang kanyang trabaho bilang isa sa mga Divadingdings ng programang Walang Siesta.

“Of course, mapapakinggan pa rin ako sa Walang Siesta. Kung kailangan kong lumipad para makarating sa dzBB booth gagawin ko or kung kailangan lumipad ako papuntang taping gagawin ko rin.”

Bukod sa radio, may regular na trabaho rin si Mega sa Sunday PinaSaya at lagi rin siyang kinukuha bilang host sa mga event ni Maine Mendoza.

 

#mainesparklingdnd #denimsanddiamonds

A post shared by Mega Unciano (@megaunciano) on

 

#walangsiesta 24 April 2017

A post shared by Mega Unciano (@megaunciano) on