Pagbisita nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva sa Super Radyo dzBB, nag-trend sa Twitter! | GMANetwork.com - Radio - Articles

Umaga pa lang ay nagising na nang maaga sina Jen at Gil para ibalita sa dzBB listeners and viewers ang kanilang magiging papel sa Pinoy remake ng My Love From The Star.

Pagbisita nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva sa Super Radyo dzBB, nag-trend sa Twitter!

 

Nagtrending ang radio interview ng mga bida ng My Love From The Star na sina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva sa programang Saksi sa Dobol B ni Mike Enriquez.

Ang naturang radio program ay napanood din via Dobol B sa News TV.

Umaga pa lang ay nagising na nang maaga sina Jen at Gil para ibalita sa dzBB listeners and viewers ang kanilang magiging papel sa Pinoy remake ng My Love From The Star.

Ayon kay Jen, pilot episode pa lang ay marami nang mangyayari na talaga namang magpapakilig at magpapangiti sa mga viewers bago matulog.

“Ngayong gabi (pilot episode) promise ko sa inyo, kikiligin kayo at hindi matatapos ang inyong gabi nang hindi naka-ngiti at kinikilig” saad ng actress.

“Yung abs ni Matteo (Gil) makikita rin. Mukha lang siyang payat pero may abs po siya.”

Aminado naman si Gil na nahirapan siya sa pagmememorize ng kanyang mga linya sa serye dahil baguhan pa lang siya sa showbiz.

“Siyempre ako talagang nahirapan dahil bago pa lang ako (sa showbiz) at nahirapan din ako sa lines ko sa pagmememorize, actually hanggang ngayon medyo nahihirapan pa rin pero gumagaling naman na.”

Tatlong linggo naman daw nag-adjust si Jen sa kanyang role bilang si Steffi dahil noong umpisa raw ay talagang nahirapan ito lalo na’t ang kanyang huling serye sa GMA ay heavy drama.

“Sa simula talaga mahirap lalo na kung bago ang karakter na piniportray mo, kailangan makabisado mo siya… siguro ako dalawa hanggang tatlong linggo bago ako naging kumportable (sa role ko)” kwento ng Kapuso Actress.

May mga konting pagbbago raw ang Pinoy remake ng My Love From The Star.

“Unang-una yung culture nila na nasa Korea iba, iba yung pinapakita nilang costume, mga tradition, pati yung culture nila iba at may ibang eksena na nag-snow, dito sa Pilipinas mainit, meron din ipapakitang mga bahay kubo” ani ni Jen.

Ayon naman kay Gil “ Siguro may excitement kasi remake to eh, eto yung local adaptation kaya ipapalabas sa show yung Pinoy version.”

WATCH: Jen at Gil Inanyayahan ang mga Kapuso listeners na panoorin ang pilot episode ng my Love From The Star

 


WATCH: Ang panayam ni Mike Enriquez kina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva

LIVE sa DZBB: Jennylyn Mercado para imbitahan kayong manood ng My Love From The Star. Siya ang gaganap na Steffi Cheon.

Posted by Super Radyo DZBB 594khz on Sunday, May 28, 2017

 

LIVE sa DZBB: Gil Cuerva para imibitahin din kayong manood ng My Love From The Star ngayong gabi. Siya ang gaganap na Matteo Do.

Posted by Super Radyo DZBB 594khz on Sunday, May 28, 2017