WATCH: Kevin Santos fitspiration si Addy Raj | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa one-on-one interview niya sa morning radio program ng Barangay LS ay umamin si Kevin na fitspiration niya ang hunk na si Addy Raj.

WATCH: Kevin Santos fitspiration si Addy Raj

By AEDRIANNE ACAR

Nakasama ni Mama Belle ang Kapuso comedian na si Kevin Santos  sa Sikat sa Barangay ngayong Biyernes ng umaga, June 2. Isa si Kevin sa stars ng hit romantic series na Meant To Be


Sa one-on-one interview niya sa morning radio program ng Barangay LS ay umamin si Kevin na fitspiration niya ang hunk na si Addy Raj.

Aniya, “Si Addy Raj ang laki-laki ng katawan nun. Alam mo inspirasyon ko ‘yun eh. Lagi ko siyang tinitingnan, sana maging ganun [ako].”

Kaya todo din ang pagda-diet at pagwo-work out nito para maabot ang sexy body na pinapangarap niya.

"'Yung gym talaga ay lagi kong ginagawa siguro like gigising ako ng mga 5 a.m. parang mga ganun. Kasi nagpe-prepare pa ako ng food, tapos sakto mga 6 to 6:30 doon na ako naggi-gym.”

Heto at panoorin ang full interview ni Kevin Santos sa Sikat sa Barangay.

FB live with Kevin Santos sa Sikat Sa Barangay, 11am to 12nn.????

Posted by Mama Belle LS on Thursday, June 1, 2017

 

MORE ON BARANGAY LS:

LOOK: Tugstugang umaatikabo kasama ang Kapuso heartthrobs na sina Lharby Policarpio at Hiro Peralta

IN PHOTOS: Summer getaway with Jay Arcilla, Prince Clemente, and Mara Alberto

SNEAK-PEEK: Papa Bol's pool date in Bulacan