WATCH: T.O.P. considers singing the 'Mulawin VS Ravena' theme song as a huge honor | GMANetwork.com - Radio - Articles

Napuno ng kilig ang Thursday morning ng mga Kabarangay sa pagbisita ng Kapuso boy band na Top One Project sa 'Sikat sa Barangay.'

WATCH: T.O.P. considers singing the 'Mulawin VS Ravena' theme song as a huge honor

By AEDRIANNE ACAR

 

Napuno ng kilig ang Thursday morning ng mga Kabarangay ladies na nakinig sa radio program ni Mama Belle, dahil full force na bumisita ang Kapuso singing group na Top One Project (T.O.P.).

Naka-chikahan ng mga Kapuso sina Adrian Pascual, Mico Cruz, Joshua Jacobe, Miko Manguba at Louie Pedroso sa Sikat sa Barangay.

Bukod sa busy sila sa paggawa ng kanilang second album, napili din ang T.O.P. na kantahin ang OST ng higanteng telefantasya series na Mulawin VS Ravena na Ikaw Nga na unang kinanta ng OPM band na South Border.

Hindi maiwasan ni Adrian Pascual na mapa-throwback, dahil noong bata siya ay napaka-popular ng kantang ito ng Mulawin.

Aniya, “It’s an honor po Mama Belle siyempre, kasi parang simula noong bata pa lang kami, naririnig na namin ‘yung kantang Ikaw Nga sa Mulawin. Tapos ‘yung kami ‘yung gagawa nun grabe parang ibang experience sobra. One for the books!”

Nakakataba din daw ng puso ayon kay Mico Cruz na mabigyan ng chance na i-revive ang isa sa popular songs na nakilala sa Kapuso Network.

“Actually parang ‘yung Ikaw Nga parang isa siya sa mga national anthem ng GMA, so parang mabigyan kami ng chance na kantahin ‘yun sobrang nakakatuwa and hindi kami makapaniwala.”

Balikan ang guesting ng Top One Project sa Sikat sa Barangay sa Facebook Live video below.

 

FB live tayo with T.O.P Top One Project sa Sikat Sa Barangay ngayong 11am to 12nn.????

Posted by Mama Belle LS on Wednesday, June 14, 2017

More on BARANGAY LS:

EXCLUSIVE: Mama Emma, nalungkot sa pag-alis ng partner niya sa 'Talk To Papa'

Sino-sino ang mga bagong papa na makikipag-tugstugan sa 'Talk To Papa?'

WATCH: Kim Rodriguez gusto sumabak sa action roles