WATCH: Magkaroon kaya ng happy ending ang karakter ni Isabelle de Leon sa 'Meant To Be?' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ano ang dapat abangan ng mga Kabarangay sa pagtatapos ng 'Meant To Be' ayon kay Isabelle de Leon?

WATCH: Magkaroon kaya ng happy ending ang karakter ni Isabelle de Leon sa 'Meant To Be?'

By AEDRIANNE ACAR

Last two days na ng romcom series na nagpakilig sa inyo gabi-gabi.


Inaabangan na rin ng mga Kapuso televiewers kung sino ba ang perfect na guy para maka-Meant To Be ng karakter ni Barbie Forteza na si Billie.

Sa exclusive interview ni Mama Belle sa Meant To Be actress na si Isabelle de Leon ngayong Huwebes ng umaga, nagkuwento ito ng mga dapat tutukan ng mga Kabarangay sa nalalapit na pagtatapos ng show.

Ayon kay Isabelle, “Abangan po nila of course siyempre kung sino makakatuluyan ni Billie. Sino ba talaga ‘yung kaniyang ka-Meant To Be?”

“Yan po ‘yung aabangan ng ating mga Kabarangay at mayroon kaya happy ending si Yumi? [laughs].”

Puring-puri rin ng singer/actress ang lahat ng bumubuo sa primetime series dahil napakasarap daw katrabaho ng mga artista at production team ng show.

Aniya, “Masaya parang hindi trabaho promise. Ang babait ng mga cast mula sa direktor hanggang sa lahat ng bumubuo ng Meant To Be.”

“At 'yun naman ‘yung nakikita nagra-radiate sa screen napapanood ng mga tao totoong joy ‘yun.”

Panoorin ang masayang kuwentuhan nina Mama Belle at Isabelle sa Sikat sa Barangay sa Facebook Live video below.

FB Live with Isabelle De Leon here in Barangay LS 97.1! Tugstugan naaaaa ????????

Posted by Mama Belle LS on Wednesday, 21 June 2017

MORE ON BARANGAY LS:

WATCH: T.O.P. considers singing the 'Mulawin VS Ravena' theme song as a huge honor

EXCLUSIVE: Mama Emma, nalungkot sa pag-alis ng partner niya sa 'Talk To Papa'

Sino-sino ang mga bagong papa na makikipag-tugstugan sa 'Talk To Papa?'