Mika dela Cruz, may 'no boyfriend contract' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Bago magtapos ang programang 'Meant To Be' bukas ay bumisita sa programang 'Walang Siesta' ng Super Radyo dzBB si Mika dela Cruz na gumaganap bilang Mariko sa top-rating Telebabad show.

Mika dela Cruz, may 'no boyfriend contract'

 

Bago magtapos ang programang Meant To Be bukas ay bumisita sa programang Walang Siesta ng Super Radyo dzBB si Mika dela Cruz na gumaganap bilang Mariko sa top-rating Telebabad show.

Sobrang thankful nga raw si Mika dahil ang Meant To Be ang kauna-unahan niyang proyekto sa GMA at tinangkilik ito ng sobra ng ating mga Kapuso.

Bukod kasi sa napakataas ang rating ng naturang programa ay dinudumog ang kanilang mga mall show hindi lang dito sa Metro Manila kundi maging sa kanilang provincial shows.

“Maraming maraming salamat, grabe po 'yung pagtanggap ng tao sa Meant To Be, kahit kalahati po ng cast eh bago sa GMA Network pero talagang sobrang lakas po ng hatak sa tao”

“Nakakatuwa po na nakatataba ng puso kaya maraming, maraming salamat”

Tumatak ang role ni Mika na Mariko bilang isang inggitera sa character ni Billie na ginagampanan naman ni Barbie Forteza.

“Puro lang siya inggit, selos (si Mariko) pero ngayon nagmature na po si Mariko at sa ngayong week po ay makikita ng fans na humahaba na po yung hair ko at nagkakaroon na ko ng mga suitors.”

Tinangkilik din ng mga tagasubaybay ng Meant To Be ang tambalang ‘JoshKo’ nina Mariko at Joshua na ginagampanan namanni Nikki Co na miyembro ng grupong One Up.

“Ang daming may gusto kay Joshua (Nikki) gusto daw nila yung JoshKo, Mariko and Joshua oh diba JoshKo tandem”

“Yung JEYA boys at GAYA Boys ay sobrang maalaga po sila sa set.”

“Para po kaming magkakapatid so mahirap pumili ng isa (para kay Billie) kasi lahat naman pantay pantay ang tratuhan namin.”

Sa kanyang pagiging isang ganap na Kapuso ay 100% daw siyang sinuportahan ng kanyang pamilya lalong-lalo na ang ate niyang si Angelica dela Cruz.

Inamin din ni Mika na meron silang “No Boyfriend Contract” ni Angelica.

Hindi raw siya pwedeng magkaroon ng boyfriend hanggang hindi ito nagde-debut, kaya ayon kay Mika bawal muna ang ligaw.

“Actually po wala pa po nanliligaw, di pa pwede dahil may kontrata po ako sa ate ko na pwede lang ako magkaboyfriend kapag nag eighteen na ako at kaka eighteen ko lang po”

“So medyo hindi pa po sila nakakapag-adjust (dahil ako’y bunso nila) kaya may kontrata po kami at nasa loob lang ito ng kotse na dapat 18 na ako pwedeng magboyfriend”

“Itatali po nila ako sa langgaman kasama yung boyfirend ko kung di ako sumunod sa kontrata, medyo brutal po, so natakot ako kaya hanggang ngayon wala pa po.”

Ano pa nga ba ang mga dapat abangan ng mga manonood sa pagtatapos ng Meant To Be?

“Ang kailangan nilang abangan ay kung sino ang pipiliin ni Billie.

“Eh kasi malakas si Jai (Ady Radj), malakas si Ethan (Ivan Dorschner), malakas si Andoy (jak Roberto), malakas si Yuan (ken Chan) tsaka iba-iba sila ng klase ng fans eh.

“Pano kaya makakapili si Billie at paano kaya ako makakaapekto sa kanya? Kasi 'di ba po, kay Yuan iba eh, yung nanay iba yung gusto. Si Pawie (Keempee De Leon) iba 'yung gusto, so lahat kami may influence kay Billie so di natin alam kung sino ang magwawagi. yun ang kailangan natin abangan.”

Mika dela Cruz naholdap ng Walang Siesta ng Super Radyo DZBB 594khz

Posted by Tootie on Monday, May 29, 2017

 

Bisita natin ngayong hapon si Mika dela Cruz ng programang Walang Siesta

Posted by Walang Siesta on Sunday, May 28, 2017