WATCH: Diva Montelaba at buong cast ng 'Haplos' kabado sa kanilang pilot airing | GMANetwork.com - Radio - Articles

Mapapanood na ang 'Haplos' simula July 10 sa GMA Afternoon Prime.

WATCH: Diva Montelaba at buong cast ng 'Haplos' kabado sa kanilang pilot airing

By AEDRIANNE ACAR

 

Isang magandang umaga ang bumati sa mga listeners ng Sikat sa Barangay ngayon Thursday morning, dahil naka one-on-one ni Mama Belle ang morena beauty na si Diva Montelaba.

Nag-guest si Diva para i-promote ang kaniyang bagong afternoon soap na Haplos kung saan bida sina Sanya Lopez at Rocco Nacino.

Gagampanan naman ng Kapuso actress ang role na si Wendy na hindi raw nalalayo sa kanya sa totoong buhay.

Paliwanag ni Diva, “Ako si Wendy. Ako ‘yung isang parang childhood best friend ni Sanya [Lopez] na pranka which is hindi nalalayo sa totoong buhay [laughs]. Pranka na kayang makipag-away para sa kaibigan”

At dahil sa susunod na Lunes, July 10 na ang pilot airing nila, aminado rin ito na ramdam nila lahat sa show ang matinding pressure.

Aniya, “Ganun naman lagi pag medyo pa-ere na ang isang show. It’s a lot of pressure, nakakaba pero masaya naman sa team namin and sa lahat ng artista. Sobrang we work together as a team so kahit sobrang pressured lahat nagtutulungan pa din… Tapos makukulit ‘yung mga artista,”

FB live na tayo mga Kabarangay with Diva Montelaba sa Sikat Sa Barangay ngayong 11am to 12nn.????

Posted by Mama Belle LS on Wednesday, July 5, 2017

More on BARANGAY LS:

WATCH: T.O.P. considers singing the 'Mulawin VS Ravena' theme song as a huge honor

EXCLUSIVE: Mama Emma, nalungkot sa pag-alis ng partner niya sa 'Talk To Papa'

Sino-sino ang mga bagong papa na makikipag-tugstugan sa 'Talk To Papa?'