Rocco Nacino, ipinakilala na si Sanya Lopez sa kanyang pamilya | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sila na ba?

Rocco Nacino, ipinakilala na si Sanya Lopez sa kanyang pamilya

 

 

Kitang-kita ang ka-sweet-an nina Rocco Nacino at Sanya Lopez nang bumisita ang mga ito sa programang Walang Siesta ng Super Radyo dzBB.

Masayang ibinahagi ng dalawa ang mga dapat abangan ng kanilang mga fans sa pagbibidahan nilang serye na Haplos na malapit nang mapanood sa GMA. Ayon kay Rocco, ang Haplos ay isang romantic fantasy drama series kaya kakaiba at exciting ang kuwento ng naturang serye.

“Exciting…ang ganda ng story kaya ganadong-ganado kami magtrabaho dahil sobrang nakakatuwa. Meron itong haplos ng pag-ibig at haplos ng kabutihan, power to heal at meron ding power of evil so maglalaban ang good and evil dito, so interesting 'yung story,” saad ng binata.

Labis naman ang pasasalamat ni Sanya dahil nabigyan ito ng pagbibidahang serye kasama si Rocco. Huli silang nagkasama sa Encantadia at matapos lamang ng isang buwan ay muli na naman silang magbibida sa Haplos.

“I’m very happy na binigyan po ulit ako ng show at maraming, maraming salamat siyempre sa GMA Network at of course kay Kuya Germs pa rin. Masaya ako na nakatrabaho ulit si Rocco Nacino,” ani ng dalaga.

Sa Haplos ay may mga kissing scene sina Rocco at Sanya pero di na raw sila nagkakailangan pa. Ayon kay Sanya, lagi siyang ginagabayan ni Rocco sa mga ganoong eksena.

“Ako pagdating sa mga kissing scene….love scene medyo nahihiya pa rin ako sa kanya pero nandyan naman siya [para] sa 'kin. Before naman ang eksena sinasabihan naman niya ako na ‘oh teka lang ha meron tayong ganito.’ May mga paghahandang nagaganap,“ ani Sanya.

Ang Haplos ay mapapanood na sa July 10, 2017 sa GMA Afternoon Prime.??????? Makakasama nila sa naturang proyekto sina Thea Tolentino, Pancho Magno, Patricia Javier, Celia Rodriguez at Francine Prieto.

Samantala. sa pamamagitan ng pagsagot ng Havey (Oo) at Waley (Hindi) ay sinagot nina Rocco at Sanya ang ilang tanong mula sa mga tagapakinig ng Walang Siesta.

Nagagandahan/napopogihan kaba kay Sanya/Rocco?
Rocco: Havey
???Sanya: Havey

Rocco, nililigawan mo ba si Sanya?
Rocco:
HaLey (para safe)

Sanya, kung manligaw sa iyo si Rocco, may pag-asa ba?
Sanya:
 Havey

Ipinakilala ka na ba niya sa kanyang pamilya?
Rocco:
Havey
Sanya: Waley

Sanya, boto ba ang pamilya mo sa kanya?
Sanya: 
Havey

Malambing ba si Rocco/Sanya?
Rocco & Sanya:
Havey!!!

Kaya mo bang haplosin ang puso niya?
Rocco & Sanya:
Havey

Rocco, naturuan mo na ba ng martial arts o sabay kayong nag gym ni Sanya?
Rocco:
 Havey

Rocco, nahalikan mo na ba si Sanya na hindi nakatutok ang kamera?
Rocco:
 Waley

Kayo na ba?
Rocco & Sanya:
 Abangan sa Haplos!