Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa kanilang trending kissing scene sa Mulawin VS Ravena - 'Nag-enjoy naman kami' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Inusisa ng mga host ng Walang Siesta na sina Tootie, Mega Ohlala at Janna Chuchu ang dalawa kaugnay sa trending nilang eksena.

Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa kanilang trending kissing scene sa Mulawin VS Ravena - "Nag-enjoy naman kami"

Pinag-usapan kamakailan sa social media ang kissing scene nina Bianca Umali at Miguel Tan Felix sa programang Mulawin VS Ravena. Kaya naman nang bumisita ang dalawa sa programang Walang Siesta ay inusisa ng mga host na sina Tootie, Mega Ohlala at Janna Chuchu ang dalawa kaugnay sa trending nilang eksena.

Ayon kay Miguel, hindi na sila nahirapan ni Bianca dahil kumportable na sila sa isa-isa. “It’s my pleasure na may kissing scene kami, pero seryoso nag-enjoy naman kami, hindi kami masyado nahirapan kasi komportable na kami sa isa’t-isa.”

Ayon naman kay Bianca, isang pagtupad sa kahilingan ng BiGuel fans ang kissing scene niya sa Kapuso actor. “Happy kami kase 'yung eksena na pinalabas kagabi (July 5, 2017) ay isa 'yun sa mga scenes na matagal ng ni-request ng mga fans ng Mulawin VS Ravena at 'yung mga fans namin na magkaroon ng scene na finally makikita nila 'yung pagmamahalan nina Lawiswis at Pagaspas.”

Marami pang aabangan sa naturang serye kaya 'wag na 'wag daw palalampasin ito ng ating mga Kapuso. “Abangan nila kung paano haharapin nina Pagaspas at Lawiswis 'yung kanilang pag-iibigan at kung paano nila ipaglalaban 'yung isat’ isa at kung paano maibabalik ang sugo na si Almiro sa Avila,” ayon kay Bianca

Dagdag naman ni Miguel, “Abangan din kung sino ba 'yung pipiliin niya ,'yung struggle niya sa pagpili between Lola Elo, o 'yung kanyang tadhana talaga”

WATCH: Ano ang reaksyon nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa kanilang trending kissing scene sa Mulawin VS Ravena?

Posted by Walang Siesta on Friday, July 7, 2017