WATCH: Super Tekla, may mensahe kay Willie Revillame | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa kanyang pagkawala sa 'Wowowin,'  ano nga ba ang nais iparating ni Super Tekla kay Kuya Wil? Alamin sa kanyang exclusive interview sa Barangay LS 97.1.

WATCH: Super Tekla, may mensahe kay Willie Revillame

 

Bumisita sa Barangay LS 97.1 si Super Tekla nitong Biyernes (July 7). Sa programang 'Potpot and Friends' nina Papa Jepoy at ChikoTito nakipagkulitan ang magaling na komedyante.

Siyempre hindi rin maalis sa mga nakikinig at mga naka-monitor sa Facebook Live video ni Chikotito na magtanong kung bakit nga ba nawala na si Super Tekla sa 'Wowowin.'

READ: Super Tekla kinumpirma na hindi na mapapanood sa 'Wowowin'; nagpasalamat kay Kuya Wil sa kanyang big break

"Sa mga blind pa ngayon kung bakit nawala ako sa 'Wowowin,' tuloy lang ang suporta. Pinili kong manahimik, kung ano man po yung mga negative na lumalabas, hayaan na lang. Kasi po opinon nila yun, huwag na po nating bigyan ng masamang kahulugan. Basta heto ko nagtratrabaho, nagpapasaya, wala po akong ibang purpose."

Pagpapatuloy pa niya,"mahal ko ang Wowowin, Of course utang ko Kay Kuya WIllie, ano mang narating ko ngayon. Never ako magkakaroon ng hatred sa puso ko with regards sa Wowowin. Kasi yan po ang nagpatatag sa akin, 'yan po ang naglagay sa akin  kung nasaan man ako ngayon."

Bago magtapos ang programa, may iniwan ring mensahe si Super Tekla kay Kuya Wil.

"Kuya Willie, I salute you, Sobrang wala po akong anong masama sa Wowowin. Kung nawala man ako, 'wag ninyo pong bitawan ang Wowowin. Kasi yan po ang programang  minahal ko...Kuya Wil, more power sa Wowowin! "

Nabigay rin siya ng mensahe sa mga Kapuso na nakaka-miss sa kanya sa Wowowin.

"Mga Kapuso salamat po sa mga suporta, sa facebook, sa mga nag-memessage. Thank you so much.Kayo po yung nagko-comfort sa akin."

WATCH: Super Tekla, mapapanood pa rin sa GMA

Dagdag pa niya, "kung may time at kaloob ng Panginoon na makakabalik ako sa Wowowin, why not! Open po ako, kung ano man ang lumalabas na [mga masamang balita], wag po kayong maniwala. We love you all guys! Ayokong mag absorb ng negative, hindi makakatulong sa atin yan."

With SuperTeklah

Posted by Chikotito 971 on Thursday, July 6, 2017