WATCH: Dapat tutukan sa 'Haplos' ang mga kapangyarihan na ipapamalas nina Sanya Lopez at Thea Tolentino | GMANetwork.com - Radio - Articles

Nakipagkulitan sa mga Kabarangay kaninang umaga ang mga bituin na inaabangan na Kapuso afternoon series na 'Haplos.'

WATCH: Dapat tutukan sa 'Haplos' ang mga kapangyarihan na ipapamalas nina Sanya Lopez at Thea Tolentino

By AEDRIANNE ACAR

 

Nakipagkulitan sa mga Kabarangay kaninang umaga ang mga bituin na inaabangan na Kapuso afternoon series na Haplos.

Pinagbibidahan ang naturang show ng Kapuso love team nina Sanya Lopez at Rocco Nacino. Makakasama rin nila ang magaling na kontrabida star na si Thea Tolentino at Kapuso hunk na si Pancho Magno.

Sa panayam ni Mama Belle, nabanggit ni Rocco na dapat abangan ng mga televiewers ang mga kapangyarihan na ipapamalas ng magkapatid na Angela at Lucille na gagampanan nina Sanya at Thea.

Ani Rocco, “Ibang klaseng powers na lumalabas, kasi sa haplos dumadaan ‘yung powers. So makikita dito sa show na ito kung paano magagamit ang powers nila, kapangyarihan nila sa kabutihan o sa [kasamaan].”

Balikan ang full interview ng Haplos stars sa Facebook Live video below.

 

FB live with the cast of HAPLOS

Posted by Mama Belle LS on Sunday, July 9, 2017

More on BARANGAY LS:

WATCH: T.O.P. considers singing the 'Mulawin VS Ravena' theme song as a huge honor

EXCLUSIVE: Mama Emma, nalungkot sa pag-alis ng partner niya sa 'Talk To Papa'

Sino-sino ang mga bagong papa na makikipag-tugstugan sa 'Talk To Papa?'