EXCLUSIVE: DZBB anchors Ali Sotto at Joel Reyes Zobel, ano ang masasabi sa bagong show ni Mang Tani? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Exceed expectations!

EXCLUSIVE: DZBB anchors Ali Sotto at Joel Reyes Zobel, ano ang masasabi sa bagong show ni Mang Tani?

By AEDRIANNE ACAR

Exceed expectations!

Ganiyan maisasalarawan ng batikang radio broadcasters na sina Ali Sotto at Joel Reyes Zobel ang bagong DZBB show ni Nathaniel ‘Mang Tani’ Cruz na I M Ready sa Dobol B.

Matapos makilala at maging resident meteorologist ng GMA-7 si Mang Tani, ngayon sumabak naman siya sa isang weekly radio program na mapapakinggan tuwing Sabado, 10AM to 11AM.

Sa exclusive interview kay Ali Sotto ng GMANetwork.com, sinabi niya na napakarami kaagad ng following ni Mang Tani kahit baguhan pa lang siya sa larangan ng radyo.

Aniya, “Nakakatuwa siya. ‘Yung following kaagad niya [malaki], you would think ‘yung show na ganun [hindi sila masyado interesado], but, it’s surprisingly more than expected. ‘Yung nakita mong mga nakikinig sa kanya, kahit sa Facebook niya, ‘yung pag [may] pino-post siya, marami talagang interesado on what he has to say.”

Para naman kay Joel Reyes Zobel, alam na niya nung umpisa na magiging successful ang I M Ready sa Dobol B.

Paliwanag ni Joel, “Ang ganda nung maiden show ni Mang Tani. The reception was quite [good] at more than the regular reception. Tsaka, si Mang Tani is professional enough na hindi mo na kailangan bigyan ng advice yan. He’ll do good sa kaniyang programa.”

More on DZBB:

EXCLUSIVE: Mang Tani, hindi makapaniwala na darating ang panahon na magiging anchor sa DZBB

WATCH: Kapuso meteorologist Mang Tani may bagong show sa DZBB!