EXCLUSIVE: Mang Tani, gustong ipalaganap ang disaster preparedness sa tulong ng 'I M Ready sa Dobol B' | GMANetwork.com - Radio - Articles

"Imagine 20 tropical cyclones a year and yet every time na may dumaan na bagyo mayroon pa ring buhay na nasasawi. Mayroon kung minsan hindi nakahanda...so ‘yun ang maitutulong ng programang ito.” - Mang Tani

EXCLUSIVE: Mang Tani, gustong ipalaganap ang disaster preparedness sa tulong ng 'I M Ready sa Dobol B'

By AEDRIANNE ACAR

Hindi maiwasan ng resident Kapuso meteorologist na si Nathaniel ‘Mang Tani’ Cruz na malungkot dahil sa kabila ng effort ng mga taga-media at gobyerno na ipaunawa ang halaga ng pagiging handa ay may namamatay pa rin tuwing may tatamang bagyo sa Pilipinas.
 
Sa exclusive interview ni Mang Tani sa GMANetwork.com, binaggit nito ang matinding epekto ng bagyo sa ating bansa.
 
Aniya, “Unang-una as a meteorologist alam naman natin na ang Pilipinas pag pinag-usapan ang bagyo, baha, malakas na hangin, flash flood, taon-taon nararanasan natin yan. At taon-taon, mayrun mga taong namamatay. May mga nasisirang pananim, may mga imprastrakturang nawawala. Ngayon, isa sa pinaka mahalaga sa bawat pagdaan ng bagyo ay hanggang maari walang buhay na mawawala.”
 
Kaya naman masaya siya na magiging instrumento ang bago niyang radio show na I M Ready sa Dobol B upang ituro sa mga Kapuso ang kahalagahan ng disaster preparedness.
 
Paliwanag ni Mang Tani, “‘Yun ang balak natin at ‘yun ‘yung i-emphasize natin dito sa programang ito. Kaya nga ang pamagat nito ay I M Ready sa Dobol B.” 
 
“So ‘yung pagiging ready ng mga Pilipino, imagine 20 tropical cyclones  a year and yet every time na may dumaan na bagyo mayroon pa ring buhay na nasasawi. Mayroon kung minsan hindi nakahanda, hindi lamang ‘yung  individuals kundi mga local officials, even ‘yung mga government officials, government agencies. So ‘yun ang maitutulong ng programang ito. Ano ang mga dapat gawin  lalo na kapag may bagyo?”
 
Samahan si Mang Tani sa bago niyang DZBB radio program tuwing Sabado ng umaga, 10am-11am! 
 
More on DZBB:
 
 
EXCLUSIVE: Mang Tani, hindi makapaniwala na darating ang panahon na magiging anchor sa DZBB
 
WATCH: Kapuso meteorologist Mang Tani may bagong show sa DZBB!
 
READ: Ali Sotto, bakit mas pinili maging anchor sa DZBB kesa bumalik sa pag-arte?