WATCH: Mikoy Morales, gusto mag-focus sa singing career matapos ang 'D' Originals' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Naka one-on-one ni Mama Belle ang guwapong Kapuso actor sa kaniyang morning radio show at doon naitanong niya si Mikoy kung iiwan na ba nitoo ang pag-arte lalo na at todo promote siya sa kanyang bagong single.

WATCH: Mikoy Morales, gusto mag-focus sa singing career matapos ang 'D' Originals'

By AEDRIANNE ACAR

 

Isa ba kayo sa mga tumutok sa guesting ng certified cutie na si Mikoy Morales sa Sikat sa Barangay?

 

@mikoymorales promotes Sana, his recent single, on lsfm. #MikoyMorales

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter) on

 

Naka one-on-one ni Mama Belle ang guwapong Kapuso actor sa kaniyang morning radio show kung saan tinanong niya ito kung iiwan na ba niya ang mundo ng pag-arte lalo na at todo promote siya sa bago niyang single.

Paliwanag ni Mikoy, “Hindi naman, hindi naman. I mean mahirap naman kasi talaga mamili sa dalawa. Pero as much as possible ngayon, lalo na tapos na ‘yung D ‘Originals and salamat pala sa lahat ng nanood at sumubaybay sa D ‘Originals ah maganda ‘yung ending,”

Dagdag niya, “Siguro magfo-focus din ako muna sa music nga, pero hindi ibig sabihin nun bibitawan ko na ‘yung pag-arte. I mean nandiyan pa rin naman ‘yung Pepito Manaloto, nandiyan pa rin ‘yung Bubble Gang so ‘yun muna sa ngayon.”

Isang hugot song ang single na pinopromote ni Mikoy na may title na ‘Sana’ at aminado ang binata na based sa personal experience niya ang kaniyang mga kanta.

Aniya, “Itong mga single na nire-release ko, na kinakanta ko, talagang based from personal experience siya. Kasi wala nang ibang mas madaling sabihin na kuwento kundi ‘yung sariling mong kuwento.”

 

Sikat Sa Barangay with Mikoy Morales ????

Posted by BARANGAY LS 97.1FM on Wednesday, July 12, 2017

More on BARANGAY LS:

WATCH: T.O.P. considers singing the 'Mulawin VS Ravena' theme song as a huge honor

EXCLUSIVE: Mama Emma, nalungkot sa pag-alis ng partner niya sa 'Talk To Papa'

Sino-sino ang mga bagong papa na makikipag-tugstugan sa 'Talk To Papa?'