WATCH: Heartthrob Teejay Marquez gumawa ng malalaking showbiz projects sa Indonesia | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa panayam niya kay Mama Belle sa Sikat sa Barangay, nagkuwento ito ng mga naging projects habang nasa Indonesia for nine months.

WATCH: Heartthrob Teejay Marquez gumawa ng malalaking showbiz projects sa Indonesia

By AEDRIANNE ACAR

Muling nagbalik sa Barangay LS station ang Pinoy cutie na si Teejay Marquez.

Ang guwapong binata ay isa sa maituturing na pinakasikat na talent sa bansang Indonesia.

Sa panayam niya kay Mama Belle sa Sikat sa Barangay, nagkuwento ito ng mga naging projects niya habang nasa Indonesia for nine months.

Aniya, “Enjoy ‘yung experience tapos siyempre for me adventure ko po ‘yun. It’s my first time na magpunta sa ibang bansa at mag-stay nang matagal, malayo sa family. Pero, over-all naman iba ‘yung experience sobrang saya.”

“Nakagawa po ako ng pelikula dun ang title niya, Dubsmash, The Movie, tapos nakagawa din po ako doon ng mga mini series parang teleserye, at saka film TV series po.”

LOOK: Indonesian Bae Teejay Marquez visits 'Sikat sa Barangay'

Sa pagbabalik niya sa Pilipinas, todo na naman ang pag-promote niya ng bago niyang single na ‘Di Magbabago.’

“It’s under Universal Records po. Ang title niya po ay ‘Di Magbabago’, out na po yan sa mga Spotify sa lahat puwede niyo na pong i-download 'yan. At saka, may music video, nasa You Tube na rin po.”

FB live with Teejay Marquez sa Sikat Sa Barangay, 11am to 12nn.????

Posted by Mama Belle LS on Tuesday, July 18, 2017

 

MORE ON BARANGAY LS:

WATCH: T.O.P. considers singing the 'Mulawin VS Ravena' theme song as a huge honor

EXCLUSIVE: Mama Emma, nalungkot sa pag-alis ng partner niya sa 'Talk To Papa'

Sino-sino ang mga bagong papa na makikipag-tugstugan sa 'Talk To Papa?'