WATCH: Sino-sino ang mga Kapuso celebs na makakasama sa G.R.I.N.D.? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Triple ang saya at kulitan sa Sikat sa Barangay this Thursday morning, dahil naka one-on-one ni Mama Belle ang mga bida ng pinakabagong romcom series na G.R.I.N.D. o 'Get Ready It's A New Day.'

WATCH: Sino-sino ang mga Kapuso celebs na makakasama sa G.R.I.N.D.?

By AEDRIANNE ACAR

Triple ang saya at kulitan sa Sikat sa Barangay this Thursday morning, dahil naka one-on-one ni Mama Belle ang mga bida ng pinakabagong romcom series na G.R.I.N.D. o Get Ready It's A New Day.

 

 

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter) on

 

Bisita ni Mama Belle sa Barangay LS 97.1 sina Jazz Ocampo, Bruno Gabriel at Ayra Mariano na nag-promote ng kanilang bagong show na G.R.I.N.D.

Sa panayam kay Bruno, nagkuweto ito patungkol sa show nila na magsisilbing tulay ng older generations at ng millennials.

Ayon sa Kapuso actor, “Ang G.R.I.N.D ay tungkol sa mga millennials, ‘yung generation namin at ang purpose ng show ay i-bridge ‘yung gap sa dalawang generations. So may older generation, usually mga tita n’yo, mga lola, nanay. Hindi kayo nagkakaintindihan, minsan may argument pa, pero hindi naman necessarily kasi masama ‘yung isa o mali ang isang grupo, ‘yung magkaiba lang ‘yung understanding nila sa life.”

Dagdag niya, “So, mostly yan ang setting ng G.R.I.N.D at bukod dun comedy siya, nakakatawa, may romance. Basta exciting, kakaiba.”

Panoorin ang chikahan to the max ni Mama Belle kasama ang cast ng G.R.I.N.D sa Facebook Live video below.

FB live na with Ayra Mariano, Bruno Gabriel and Jazz Ocampo sa Sikat Sa Barangay ngayong 11am to 12nn

Posted by Mama Belle LS on Wednesday, July 19, 2017

MORE ON BARANGAY LS:

WATCH: Heartthrob Teejay Marquez gumawa ng malalaking showbiz projects sa Indonesia

LOOK: Morning chat with your favorite Kapuso idols!

LOOK: Waking up with the 'Haplos' stars