Ken Chan, isinaad kung bakit dapat tumutok sa 'Magpakailanman' this July 22
July 21 2017
Bibigyang buhay ni Ken at ng StarStruck alum na si Ayra Mariano ang nag-viral na sina Ella at Lance mula sa General Santos City.
Idinitalye ni Ken sa interview niya sa Sikat sa Barangay ang kuwento nina Lance at Ella.
“Sobra na kaming excited na i-share sa mga Kapuso natin at mga Kabarangay natin ang napakagandang kuwento tungkol sa dalawang nakaka-inpsire na estudyante ng GenSan na sina Ella at Lance. Si Ella ‘yung nakaupo sa wheelchair habang nakatayo naman sa harapan niya si Lance. Nag-viral ‘yung photo nila dahil maraming kinilig dun sa photo na ‘yun.”
Dagdag pa ng Kapuso actor na napaka-inspiring ng kuwento nilang dalawa na pinaglaban ang kanilang pagmamahalan.
Ani Ken, “Sobrang nakaka-inspire ‘yung kuwento nilang dalawa, dahil hindi biro ‘yung pinagdaanan nilang dalawa dahil maraming hadlang sa pagmamahalan nila. Pero pinaglaban pa rin ni Lance si Ella.”
With Ken Chan
Posted by Mama Belle LS on Thursday, 20 July 2017
FB live with Ken Chan sa Sikat Sa Barangay ngayong 11am to 12nn
Posted by Mama Belle LS on Thursday, 20 July 2017
MORE ON BARANGAY LS:
WATCH: Heartthrob Teejay Marquez gumawa ng malalaking showbiz projects sa Indonesia
Comments
comments powered by Disqus