WATCH: Abangan ang mas exciting na 'Alyas Robin Hood' sa GMA Telebabad | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ngayong hapon, July 27, naki-gulo ang ilang cast ng Alyas Robin Hood sa afternoon radio show na Talk To Papa nina Papa Obet at Papa Marky.

WATCH: Abangan ang mas exciting na 'Alyas Robin Hood' sa GMA Telebabad

By AEDRIANNE ACAR

Ilang tulog na lang, mga Kabarangay, ay muli na ninyong mapapanood sa telebisyon ang pinaka swabeng teleserye na pinangungunahan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

LOOK: Kapamilya star Jason Francisco mapapanood sa 'Alyas Robin Hood?'

 

Ngayong hapon, July 27, naki-gulo ang ilang cast ng Alyas Robin Hood sa afternoon radio show na Talk To Papa nina Papa Obet at Papa Marky.

Dito nagkuwento si Lindsay de Vera ng mga dapat abangan ng mga Kapuso sa lalong gumagandang kuwento ng kanilang show.

Ani Lindsay, “Marami pong bago. May mga bagong characters, mga bagong family members kumbaga and marami pong mangyayari. It would be twice of everything po talaga.”

Dagdag niya, “Of course po, lahat po nang pinagdaanan ni Tito Pepe noon at ng De Jesus family. Lahat po ng mga characters, siyempre po sa buhay talagang hindi mawawalan ng pagsubok, so abangan niyo po ‘yung mga bagong pagsubok na darating po sa buhay ng lahat ng characters.”

Ayon naman kay Antonette Garcia na gumaganap sa karakter ni Frida, mas lalong magugustuhan ng mga televiewers ang mga action scenes sa Alyas Robin Hood.

“At saka siguro mas madaming mga action scenes kayo makikita dito, ‘yan ang dapat abangan ninyo,”

The cast of Alyas Robinhood 2 Live sa Talk To Papa.

Posted by Papa Obet on Wednesday, July 26, 2017

MORE ON 'BARANGAY LS':

WATCH: Heartthrob Teejay Marquez gumawa ng malalaking showbiz projects sa Indonesia

LOOK: Morning chat with your favorite Kapuso idols!

LOOK: Waking up with the 'Haplos' stars