DZBB anchors and reporters, full force sa bago nilang music video | GMANetwork.com - Radio - Articles

Kumpleto ang puwersa nang nangungunang AM station ng bansa nang kunan ang kanilang bagong music video. 

DZBB anchors and reporters, full force sa bago nilang music video

By AEDRIANNE ACAR

All smiles ang buong DZBB team habang kinukunan nila ang bago nilang music video noong July 10 sa GMA Network compound.

Kumpleto ang puwersa nang nangungunang AM station ng bansa, dahil present sa naturang video shoot ang President ng Radio GMA (RGMA) at isa sa mga top anchors nito na si Mike Enriquez.

Spotted din sina Arnold Clavio, Ali Sotto, Joel Reyes Zobel, Susan Enriquez at Nathaniel ‘Mang Tani’ Cruz.

Sa exclusive na panayam ng GMANetwork.com kay Ali Sotto, happy siya na kasama nila sa isang araw ang mga katrabaho na madalas ay nasa field.

“Nakakatuwa kasi talagang ano kami kumpleto di ba? So, bihira ‘yun, kadalasan Christmas party di ba, so minsan wala pang Christmas party kasi idodonate ‘yung funds ganiyan 'di ba?”

“So, short but sweet you know, it’s always a joy to be around everyone, kasi makikita mo sila parati on a regular basis, pero bihirang-bihira ‘yung kumpleto kami na makikita mo talaga ‘yung camaraderie. Na may kasamang bago si Mang Tani, he’s the newest addition to the group,”

Ganito din ang saloobin ng Walang Siesta host na si Mega Ohlala. Aniya, “Ay ang saya kasi ‘yung mga hindi namin nakakasama madalas sa mga anchors, reporters nagkasama-sama kami. Ang sarap ng feeling.”

Para naman kay Kapuso reporter Lala Roque na mahigit anim na taon nang miyembro ng DZBB team, maganda rin daw makita na relax ang mga anchors at reporters na madalas ay mapapakinggan seryoso na seryoso ang mga binabalita.

“Kami talaga sa DZBB para kaming isang pamilya kaya pag may ganitong pagkakataon na nakukumpleto kami, kung makikita n’yo napaka-light nang mood, napakasaya lang. Walang tensyon, kasi masaya talagang nakukumpleto kami at nagkakasama-sama kaming mga anchors at reporters.”

Nakita n’yo na ba mga Kapuso ang bagong DZBB music video?

Heto at panoorin ang buong puwersa ng number one AM radio station ng bansa!