Jackie Rice on love: 'Kapag sobrang pagmamahal 'yan nakakasama, nakakabaliw' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Nang mag-guest si Jackie sa 'Walang Siesta' ng dzBB ay itsinika niya ang kanyang mga unforgettable memories habang nagta-taping ng 'My Love From The Star.'

Jackie Rice on love: "Kapag sobrang pagmamahal 'yan nakakasama, nakakabaliw"

Sobrang thankful si Jackie Rice dahil napabilang siya sa Pinoy remake ng My Love From The Star (MLFTS) bilang si Lucy Yuzon.

Nang mag-guest si Jackie sa Walang Siesta ng dzBB ay itsinika niya ang kanyang mga unforgettable memories habang nagta-taping ng naturang show.

“Dito kasi sa MLFTS ay binigyan ako ng change na sumikat, tapos kakaiba siya dahil halos palaban si Lucy kay Steffi (Jennylyn Mercado) tapos palaban pati mga outfit.”

“Ang mami-miss ko siguro 'yung off-cam kami dahil nagbo-bonding kami, kaso more on tulog ako tapos pagkagising ko may food sobrang saya sa set namin.”

Madami rin daw natutunan si Jackie kay Direk Joyce at pag-amin niya, naging pasaway siya dati.

“Lahat sila mami-miss ko pati si Direk Joyce kasi andami kong natutunan kay Direk.”

“Una ko siyang nakasama sa Ang Babaeng Hinugot sa Tadyang, noong time na 'yun ay malayo kami sa isa’t isa dahil pasaway pa ako, pero sa ngayon hindi na. Nagugulat na lang siya dahil marami akong paandar sa mga eksena.”

“Natutuwa siya sa akin kasi nakikinig ako sa sinasabi niya dahil dati parang ‘keber’ maldita talaga ako dati, pero ngayon iba na kasi parang kukunan ako ng eksena tapos tapos na pala parang sasabihin ko wala na ba? Bitin.”

Hindi naman daw issue kay Jackie na mga supporting roles lamang ang ibinibigay sa kanya dahil ang importante raw sa kanya ay meron itong trabaho.

“Parang wala na akong hinahangad na role dahil parang nagawa ko na lahat ilang years na ako sa showbiz.”

“Wala akong pinilipi na proyekto basta may trabaho ako at may datung, pero ang lagi kong nire-request after ng proyekto kailangan ko ng break at magbakasyon.”

At dahil ilang tulog na lang ay magtatapos na ang My Love From The Star may nais din na ending si Jackie sa kanyang role bilang si Lucy Yuzon.

“Naka let go na ako kay Winston (Christian Bautista) so move [on] na tayo besh, kasi naging masama ako dahil kay Winston.”

“Sa totoong buhay kapag sobrang pagmamahal ‘yan nakakasama, nakakabaliw so nakakagawa tayo ng kung ano-ano na pati ang trabaho mo ay apektado na rin.”

“So dapat si Lucy, let go na siya, kaibiganin ulit si Steffi dahil magaan sa pakiramdam kapag naka-let go ka na at nagpatawad ka.”

Bukod sa MLFTS ay abala rin si Jackie sa Bubble Gang at sa kanyang negosyo. Hands on nga raw siya sa kanyang ice cream business kapag hindi siya busy sa trabaho.

At dahil umaariba ang career. kumusta kaya ang puso ni Jackie?

“Malamig ang Pasko, hindi ko na alam kung kailan ako na-in love dahil hindi ako nag-e-entertain right now, pero nami-miss ko kung paano ba ma-in love ulit dahil hindi ko nga alam kung may puso pa ba ako.”

Samantala sa pamamagitan ng kontrobersyal na Havey (OO) at Waley (Hindi) segment ng Walang Siesta, palaban din na sinagot ni Jackie ang ilang katanungan.

Q: Okey lang ba sa iyo na magkaroon ng karelasyon na mas matanda sa iyo pero mayaman?
Jackie:  Havey, usually gusto ko ng mas matanda sa akin, ayoko ko ng kasing edad ko dahil isip bata dahil gusto ko sa relasyon 'yung may matutunan din ako.

Q: Handa mo bang i-give up ang career para sa love life?
Jackie: Waley, dapat maintindihan niya ako dahil nakilala niya ako simula pa lang na artista, daming humahanga, kaya nandito ako dahil may purpose tapos pipigilan niya ako?

Q: Kung ayaw ng magulang mo ang lalaking mahal mo, ipaglalaban mo pa rin ba ang lalaking nagpapatibok ng puso mo?
Jackie: Havey, minsan lang tumibok ‘yan 'di mo pa ba ipaglalaban?

Q: Kaya mo bang magpa-sexy sa mga pelikula at magazine?
Jackie: Havey na havey!

Q: Na-in love ka na ba sa lalaking nakatrabaho mo?
Jackie: Waley, crush lang tapos 'pag nakatrabaho ko na wala na pero ayaw ko ng showbiz guy eh.

Q: Kuntento ka na ba sa career mo ngayon?
Jackie: Havey na havey, kuntento na ako sa GMA.

Q: Gaya ni Lucy Yuzon ng MLFTS, naiinggit ka ba sa kaibigan mo?
Jackie: Havey, normal lang naman lalo na 'yung mga friends mong ‘Ay wala siyang work pero may Hermes siya,' ako ilang years na akong nagwo-work pero wala pang house ba't siya walang work may bahay… mga ganun.”

Q: Gaya ni Lucy Yuzon, naranasan mo na rin bang maging desperado sa isang lalaki?
Jackie: Waley, 'yung habol ng habol sa lalaki hindi talaga dahil kung hindi sa iyo hindi talaga sa iyo, move on na tayo beshie.

Q: Gaya ni Lucy Yuzon, isyu ba sa iyo kung mga supporting roles lang ang mga ibinibigay na proyekto mo?
Jackie: Waley, maganda naman 'yung mga character na ginagampanan ko, sobrang love ko 'yung mga character ko saka hindi naman mabubuhay ang show na walang supporting role.”

“Saka takot akong masaktan 'yung 'pag wala ka ng work, 'yung bida ka tapos pawala ka na talaga, 'yung sobrang sikat ka tapos pawala ka na doon ako natatakot.”
???????????
“So ayaw ko talaga dati 'yung ibinibigay ang pagbibida, dahil mawawala ka sa limelight eh nasanay ka doon, ayaw ko ma-feel 'yung feeling na asan na siya?”