WATCH: Ella Cruz, proud na dito nagsimula ang career sa Kapuso network | GMANetwork.com - Radio - Articles

Napuno ng kilig ang umaga ng Kabarangay listeners ng Sikat sa Barangay ngayong Biyernes nang bumisita sina Julian Trono at Ella Cruz.  

WATCH: Ella Cruz, proud na dito nagsimula ang career sa Kapuso network

By AEDRIANNE ACAR

Napuno ng kilig ang umaga ng mga Kabarangay listeners ng Sikat sa Barangay ngayong Biyernes nang bumisita sina Julian Trono at Ella Cruz.  

Special guest ni Mama Belle ang dalawa para i-promote ang kanilang bagong pelikula na Fanboy/ Fangirl at ang single nila na 'Isang Tingin.'

Sa panayam sa Sikat sa Barangay, nagkuwento si Julian patungkol sa kanilang kilig single na composed by Thyro and Yumi. 

Ayon kay Julian, “Basically ‘yung song, ‘yung kanta natin para sa mga crush natin na isang tingin mo lang bumabagal ‘yung mundo.”

Proud naman ang teen actress na si Ella Cruz na malaki ang tulong sa showbiz career niya ang Kapuso Network. 

Matatandaan na bumida si Ella sa telefantasya series na Super Twins.

 

Kuwento ni Ella, “As in bata pa lang ako sumasayaw na ako. Matagal na po akong sumasayaw pero hindi po kasi ako nakafocus sa pagsasayaw mas more on acting ako, kasi doon ako unang nakilala.”

 

“Dito ako nagsimula sa GMA, sa GMA ako nagsimula. Ako si Super Twins and si young Marimar,”

 

Bago lumipat sa Viva Artist Agency si Julian Trono napanood din siya sa mga GMA-7 shows na Tropang Potchi at Buena Familia.

 

Embed:

FB live with Julian Trono & Ella Cruz sa Sikat Sa Barangay ngayong 11am to 12nn

Posted by Mama Belle LS on Thursday, August 17, 2017

 

FB LIVE with Ella Cruz and Julian Trono

Posted by Mama Belle LS on Thursday, August 17, 2017

 

 

FB live with Ella Cruz and Julian Trono

Posted by Mama Belle LS on Thursday, August 17, 2017

 

More on BARANGAY LS:

LOOK: Waking up with the 'Haplos' stars

WATCH: Rocco Nacino sasabak naman sa comedy?

WATCH: One Up boys na sina Yaser Marta at Jay Arcilla, enjoy sa taping ng 'Celebrity Bluff'