LOOK: SUD frontman Sud Ballacer ikinuwento ang inspirasyon niya sa kantang ''Di Makatulog' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Alam niyo ba, Kabarangay, na inspired ang kanta na ito ng feelings ni Sud Ballacer nang magkaroon siya ng crush.

LOOK: SUD frontman Sud Ballacer ikinuwento ang inspirasyon niya sa kantang ''Di Makatulog'

By AEDRIANNE ACAR

Mas lalong nakilala ng mga Kabarangay listeners sa Sikat sa Barangay ang SUD frontman na si Sud Ballacer.

READ: OPM band Sud reacts to Julie Anne San Jose's ukulele version of their hit song 'Sila'

Sa naging guesting ni Sud sa morning radio program ni Mama Belle ngayong Miyerkules (Aug. 23) ng umaga, naikuweto nito kung paano nagsimula ang kanilang banda.

Kuwento niya, “Nag-start kami noong 2011 sa UST (University of Santo Tomas), magka-klase kami. Tapos ayun, may mga kakilala sila, tapos nag-recommend sila ng mga members na puwede sila, so eventually ito na ‘yung final line-up.”

Pinag-uusapan ng mga OPM fans ang bagong single ng SUD na '‘Di Makatulog.’

Alam niyo ba, Kabarangay, na inspired ang kanta na ito ng feelings ni Sud Ballacer nang magkaroon siya ng crush.

Paliwanag ni Sud, “Mostly ako po nagsulat niyan katulong ko sa second verse si Jimbo. 'Yun nga pinagtatawanan ako ng mga friends ko kasi, ako kasi, ang bilis ko makatulog [smiles].”

Dagdag niya, “Medyo ironic siya, pero nung nasulat ko siya, ‘yun nga puyat ako nung time na ‘yun. Tapos parang naisip ko lang hindi man like nangyayari talaga at the moment sa akin naalala ko lang parang ito ‘yung feeling nung may crush ako tapos kinikilig-kilig pa, medyo one way pa ‘yung feelings hindi pa nare-reciprocate,”

Balikan ang buong panayam kay Sud Ballacer sa Facebook Live video below.

FB live sa Sikat Sa Barangay with Mama Belle ngayong 11am to 12nn.????

Posted by BARANGAY LS 97.1FM on Tuesday, August 22, 2017