WATCH: Alexander Lee ng 'My Korean Jagiya' nakipagkulitan sa 'Talk To Papa' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Panoorin ang buong panayam ni Alexander Lee sa Talk To Papa kung saan naging love expert pa ito, nang magbigay siya ng advice sa mga Kabarangay.

WATCH: Alexander Lee ng 'My Korean Jagiya' nakipagkulitan sa 'Talk To Papa'

By AEDRIANNE ACAR

Bigatin ang naging guest ngayong Huwebes ng hapon sa Talk To Papa, dahil nakasama nina Papa Obet at Papa Marky ang Korean heartthrob na si Alexander Lee.

WATCH: Abangan ang mas exciting na 'Alyas Robin Hood' sa GMA Telebabad

Bida si Alexander sa kilig primetime series na My Korean Jagiya bilang si Kim Jun Ho, kung saan leading lady niya ang Kapuso actress na si Heart Evangelista.

Isa sa mga natanong sa Korean actor kung open ba siya na mag-trabaho for good sa Pilipinas.

Tugon nito, “Why not! I really like working here, the environment is really good.”

Inisa-isa din ng My Korean Jagiya star ang mga paborito niyang Filipino Food.

“I love Filipino food! Sisig, Halo-halo, Sinigang….I almost have Halo-Halo every day.”

Panoorin ang buong panayam ni Alexander Lee sa Talk To Papa via Facebook Live kung saan naging love expert pa ito, dahil nagbigay siya ng advice sa mga Kabarangay callers.

TALK TO PAPA BIG TAYM LIVE with ALEXANDER LEE! Like and Share na!

Posted by BARANGAY LS 97.1FM on Wednesday, August 30, 2017