WATCH: Jak Roberto, may ikinuwento tungkol kay Sanya Lopez sa 'Sikat sa Barangay' | GMANetwork.com - Radio - Articles

May naikuwento ang Kapuso hunk kay Mama Belle tungkol sa kanyang kapatid na si Sanya. Ano kaya ito? 

WATCH: Jak Roberto, may ikinuwento tungkol kay Sanya Lopez sa 'Sikat sa Barangay'

By AEDRIANNE ACAR

Maganda ang bungad ng umaga para sa listeners ng Barangay LSFM, dahil live na nag-guest sa Sikat sa Barangay ngayong Martes ang Kapuso hunk na si Jak Roberto.

Dito naka-one-on-one ni Mama Belle ang guwapong aktor at higit na nakilala ng radio listeners ito sa likod ng kamera.

LOOK: Here are the OPM stars you've missed in 'Sikat sa Barangay'

 

Jak Roberto is live on Barangay LS 97.1FM's Facebook page! facebook.com/barangayls971

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter) on

 

Sa panayam ni Mama Belle, naikuwento ni Jak Roberto kung paano siya tinulungan ng Walang Tulugan host na si German “Kuya Germs” Moreno na pasukin ang mundo ng showbiz.

Ayon kay Jak, “Actually nagkataon lang po talaga, kasi nag-try lang po ako mag-audition sa isang pelikula noon na pinagbibidahan ni Ms. Nora Aunor kakabalik lang niya galing L.A. [Los Angeles]. Tapos nandun si Kuya Germs, si Kuya Germs nakita ‘yung co-talent ko. So ‘yung ini-eye ni Kuya Germs dun ‘yung babae kong co-talent. Tapos, sumama na rin ako, kasi inalok ni Kuya Germs ‘yung kasama ko kung gusto niya mag-GMA, which is sa Walang Tulugan. Tapos sabi ko sige, sali ka ako rin sali rin ako [laughs].”

“Eh si Tatay sobrang bait ni Kuya Germs na hindi ho siya tumatangi at kumbaga sobrang buo ‘yung pagtulong niya sa isang tao na ayaw niya na may nalulungkot ganiyan,”

Sanya Lopez

Maituturing ang magkapatid na sina Jak at Sanya Lopez bilang isa sa hottest stars sa Kapuso Network.

Pero sa kabila ng tinatamasa nilang kasikatan, nanatili pa rin daw magpakumbaba silang magkapatid. Sa katunayan, wala pa rin daw pinagbago si Sanya na nauutusan pa rin daw niya.

“As kuya siguro normal ‘yung remind-remind sa kaniya ganun. Pero wala naman pong nagbago simula noong nag-start kami dito sa showbiz hanggang ngayon. Parehas pa rin po kaming, ganun pa rin kung ano ‘yung dati na inuutusan ko siya [laughs].”

Nagtutulungan din daw sila sa mga trabaho sa bahay, dahil ayaw nila napapagod ang kanilang nanay.

“Kami sa bahay, tulungan na kami, kumbaga si mommy nagre-rest na lang yan kumbaga ayaw namin napapagod… Kami ni Sanya mas more on umeffort para sa bahay ganiyan.”

Tutukan sa Sabado ng gabi ang natatanging pagganap ni Jak Roberto sa episode ng Magpakailanman na ‘Mga Sikreto ng Aking Pamilya’ pagkatapos ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.

FB live with our Pambansang Abs Jak Roberto sa Sikat Sa Barangay ngayong 11am to 12nn with Mama Belle LS ????

Posted by BARANGAY LS 97.1FM on Monday, September 4, 2017