WATCH: Kapuso actress Tina Paner, ramdam ang pressure sa nalalapit na 'The Triplet Concert' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Balikan ang naging guesting ng aktres sa 'Sikat sa Barangay'

WATCH: Kapuso actress Tina Paner, ramdam ang pressure sa nalalapit na 'The Triplet Concert'

By AEDRIANNE ACAR

Aminado ang Kapuso actress na si Tina Paner na ramdam niya ang malaking pressure sa concert nila nina Manilyn Reynes at Sheryl Cruz sa Music Museum sa darating na Sabado, September 9.

WATCH: Jak Roberto, may ikinuwento tungkol kay Sanya Lopez sa 'Sikat sa Barangay'

Kaya inanyayahan niya ang mga Kabarangay listeners sa guesting niya sa Sikat sa Barangay this September 7 na manood sa first ever concert ng Triplet.

Aniya, “First ever concert namin ever since na nabuo ‘yung Triplet. So from That’s Entertainment pa 'yun.”

Dagdag ni Tina, “Nakakatuwa na nakaka-nerbiyos, na nakaka-stress. Sobrang stress! Nakaka-stress ‘to talaga. So, hindi ko sure after ‘tong concert na ito kung may kasunod. Kaya nga gaya ng sinabi ko first time ever itong concert na ito, so sana dun sa mga gustong manood buy your tickets now, kasi hindi natin masabi after this may kasunod ba.”

READ: Paano nabuo ang 'The Triplet Concert'?

Para sa naka-miss sa guesting ng former Meant To Be star na si Tina Paner this Thursday morning, panoorin ang buong Sikat sa Barangay Facebook Live video below.

 

FB live na tayo with Tina Paner & Sheryl Cruz sa Sikat Sa Barangay ngayong 11am to 12nn with Mama Belle

Posted by Mama Belle LS on Wednesday, September 6, 2017