READ: Paano nabuo ang DZBB Super Radyo Trabaho Negosyo Fair? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Fresh graduate ka ba o nag-iisip na magpalit ng career? Huwag palampasin ang Trabaho Negosyo Fair ng DZBB Super Radyo sa September 21-22.

READ: Paano nabuo ang DZBB Super Radyo Trabaho Negosyo Fair?

By AEDRIANNE ACAR

Fresh graduate ka ba o nag-iisip na magpalit ng career?

Well, heto na ang pagkakataon ninyo para masungkit ang dream job na minimithi!

Pumunta na sa DZBB Super Radyo Trabaho Negosyo Fair na gaganapin sa Starmall EDSA-Shaw sa September 21-22.

READ: Mama Emma, DJ-turned-entrepreneur

Ito na ang pagkakataon ninyo na ma-hire ng mga malalaking local at multinational companies na sasali sa bonggang event na ito.

Sa one-on-one interview ng GMA Network.com kay Barangay LS DJ Mama Cy, nagkuwento ito kung paano nabuo ang naturang fair.

“Kasi si Super Radyo DZBB 594 ang official flagship AM station ng GMA-7, we want to do public service. So nagsimula kami doon sa mga government agencies lang. Yung mga tanong nila sa mga SSS, PhilHealth, Pag-ibig, pero we want to cater to a bigger market. 'Yung talagang mga nangngailangan and we know very well na ang trabaho po ay kailangan naman po talaga yan halos every single day. Mayrun at mayrun naghahanap ng trabaho.”

Tumatayo si Mama Cy bilang Radio Events and Creative Manager ng Radio GMA. Ayon sa kanya hindi rin daw dapat mag-alala ang mga job seekers kung requirements ang pag-uusapan, dahil nandun ang Philippine Statistics Office, SSS, PhilHealth at Pag-Ibig para mag-assist sa inyo.

Dagdag niya, “So bukod dun, sa jobs fair we want to make it different from other job fairs by bringing in ‘yung essential government agencies like SSS, PhilHealth, Pag-Ibig para one-stop siya. NBI andiyan, PSA nandiyan ayan. So para wala na silang excuse kumbaga kung na-interview na po kayo kailangan niyo ng requirements nandun na yan.”

Pagkakataon din ito para sa mga Kapuso para makapaghanda sila sa retirement nila, dahil may handog na libreng negosyo seminar din sa fair ang DZBB.

Paliwanag ni Mama Cy na gusto nilang i-encourage na magkaroon ng alternative na pagkakakitaan ang mga Kapuso, bago pa sila umabot sa retirement age.

Ani Mama Cy, “And nakikita namin, actually brainchild ito ni Mr. Jack Dennis Serrano our AVP for Events and Creatives, sabi niya gusto ko i-encourage ‘yung mga empleyado na hindi lang mag-settle sa employment. Kasi, definitely dadating ka sa retirement age, after that ano di ba?”

“Paano kung wala kang retirement pay na inaabangan? Hence, we incorporated ‘yung libreng negosyo seminar. We want to inspire na habang kumikita ka, instead na pinang-iinom mo yan every Friday with friends, pinambibili ng mamahaling gadgets, baka you can come up with a concept for a business.”